TFC pinarangalan ang 20 winners ng Pamilya Ko, Buhay Ko
MANILA, Philippines - Bilang bahagi ng ika-20th anniversary ng The Filipino Channel (TFC) at sa pakikipagtulungan sa remittance arm nito sa Pilipinas, ang E-MoneyPlus, Inc., ipinakikilala ang kauna-unahang 20 winners ng Pamilya Ko, Buhay Ko, mga kuwento ng pag-asa at inspirasyon.
Inilunsad noong Setyembre noong nakaraang taon, layunin ng Pamilya Ko, Buhay Ko, ang makahanap ng mga kuwento ng mga overseas Filipinos (OFs) na bumago sa buhay ng kanilang pamilya at kapwa Filipino sa pamamagitan ng kanilang pagtulong. Kasama na rito ang mga Filipinong nangibabaw sa harap ng pagsubok, tinupad ang pangarap ng kanilang pamilya at tumulong sa kanilang kapwa.
Ngayong Hunyo, binigyang parangal ng TFC at myREMIT ang mga 20 winners na nagpapahalaga sa pagmamahal sa pamilya, pagpupursigi, kasipagan at kabutihan. Ito ang mga values na pinapahalagahan ng TFC sa ika-20th anibersaryo nito na ayon sa tema nitong Galing ng Filipino, ituloy mo!
Higit sa dalawang daang OFWs ang nagpadala ng kanilang entries at photos sa pamamagitan ng TFC Facebook pages worldwide. Bukod sa values, ang mga nanalong entries ay pinili base sa kung paano nila natulungan ang kanilang mahal sa buhay at kung paano sila naging inspirasyon sa iba. Makakatanggap ang winners ng Php 20,000 sa pamamagitan ng myREMIT. Itatampok din ang winners sa TFC Connect.
Tunghayan ang kanilang mga kuwento sa TFC Connect sa Tuesday episodes nito hanggang September sa TFC worldwide. Abangan din ang iba sa kanila sa DZMM 630 at DZMM Teleradyo sa mga susunod na linggo. Ang TFC Connect at DZMM Teleradyo ay mapapanood sa satellite, IPTV, mobile at online (TFC.tv) platforms ng TFC.
- Latest