^

PSN Showbiz

Dambuhala sa TV, Martin lumulobo na naman!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Bumubuka lang ang bibig ni Heart Evangelista pero hindi niya alam ang lyrics ng Paikot-Ikot, ang Randy Santiago song na kinanta nila kahapon nina Lovi Poe at Jennylyn Mercado sa Sunday All Stars. 

SCENE: May problema sa spelling ang on-screen charge graphic operator ng GMA 7 dahil madalas na mali-mali ang spelling niya sa pangalan ng mga artista.

Love ang pangalan ni Lovi Poe sa Startalk noong Sabado at kahapon, missing ang letter S sa Triplets, ang grupo nina Sheryl Cruz, Tina Paner, at Manilyn Reynes na kumanta kahapon sa Paborito segment ng Sunday All Stars.

SEEN: Ang Banana Split guesting ni Richard Gutierrez noong Sabado.

Nai-promote ni Richard sa show ng ABS-CBN ang Overtime, ang pelikula niya sa GMA Films, ang film company ng GMA 7.

SCENE: Ngayon ang huling Lunes sa telebisyon ng Dyesebel dahil magwawakas na ito sa Biyernes. Nagpaalam kahapon sa ASAP 19 ang cast ng Dyesebel sa pangunguna nina Anne Curtis, Andi Eigenmann, Sam Milby, at Gerald Anderson.

SEEN : Napapabayaan uli ni Martin Nievera ang sarili dahil overweight na naman siya at ebidensya ang appearance niya kahapon sa ASAP 19

SCENE: Hindi naging mahirap kay Maja Salvador na punuin ang first major concert niya sa Music Museum noong Sabado dahil maliit lang ang venue.

Special guest ni Maja si Piolo Pascual sa concert niya na sinuportahan ng kanyang boyfriend na si Gerald Anderson.

SCENE: Natupad ang pangarap ni Xian Lim na sumayaw sa birthday celebration niya kahapon sa ASAP 19. May talent sa pagkadyot si Xian.

ANDI EIGENMANN

ANG BANANA SPLIT

ANNE CURTIS

DYESEBEL

GERALD ANDERSON

HEART EVANGELISTA

LOVI POE

SABADO

SUNDAY ALL STARS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with