^

PSN Showbiz

Pokwang kumapit sa ritwal para sa pag-ibig?

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang babaeng naakusahang sangkot sa pagpapasabog sa bahay ng kanyang asawa ang ga­gam­panan ni Pokwang (Lovinia) sa Ipaglaban Mo nga­yong Sabado (Hulyo 12).

Agad natuldukan ang masa­yang pagsasama nina Lovinia at Eric (Do­minic Ochoa) nang sugu­rin sila ni Eira Bianca (Diane Me­dina), ang una at legal na asawa ni Eric. Nagbanta si Eira na idedemanda ang dalawa kung ipagpapatuloy nila ang kanilang relasyon kaya naman napilitan si Eric na iwan si Lovinia.

Dahil sa pagnanais na muling makasama si Eric, desperadang lumapit si Lovinia sa manghuhulang si Mistah (Odette Khan) na nangakong ibabalik ang kanyang asawa sa pamamagitan ng isang ritwal.

Lingid sa kaalaman ni Lovinia na hahantong pala ito sa isang krimen nang pinasabog ni Mistah ang bahay nina Eric at Eira na kumitil sa buhay ng isang kaibigan. Sina Lovinia at Mistah ang mga itinuturong suspek sa insidente. Ano ang pananagutan ni Lovinia sa krimen? Maitutu­ring ba siyang kasabwat dito bagamat wala siyang kinalaman sa planong pagtatanim ng bomba ng manghuhula?

Ang episode ngayong Sabdo na pinamagatang Umasa ako sa Hula ay idinerehe ni Erick Salud.

DIANE ME

EIRA

EIRA BIANCA

ERICK SALUD

IPAGLABAN MO

LOVINIA

MISTAH

ODETTE KHAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with