^

PSN Showbiz

Juday itinangging dinadala sa masamang direksyon si Sarah

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Isa si Judy Ann Santos sa mga pinakamalalapit na kaibigan ni Sarah Geronimo. Malaki rin ang tiwala ng ina ng singer na si mommy Divine kay Juday. “Kasi siguro because of the movie Hating Kapatid. She’s always with us naman. Na-clear ko ‘yan sa isang nagtanong sa akin, parang ako ‘yung biglang naging spokesperson ng dalawang batang (Sarah at Matteo Guidicelli) ‘to,” bungad ni Judy Ann. “At the same time naman, wala naman din akong reputasyon na mangligaw ako sa masama ng mga tao,” dagdag ng aktres.

Madalas daw na bumibisita sina Sarah at mommy Divine sa bahay ni Juday. “Nagpupunta sila ni Sarah sa bahay namin, ‘di lang napo-post. Every now and then, nagluluto kami doon, naglalaro sila ng mga anak namin. Kaya ‘yung trust naman ni mommy Divine, ‘di ko ‘yon sisirain,” kwento ni Juday. Magkasundo rin ang asawa ng aktres na si Ryan Agoncillo at kasintahan ng Popstar Princess na si Matteo Guidicelli. “Matteo and Ryan are friends na because of training in triathlon. So even before I met Matteo, nagkikita na kami pero ‘di kami ‘yung nag-uusap. Hi-hello lang, sila talaga ni Ryan,” pagbabahagi ng aktres. Ayon kay Juday ay hindi rin siya naging masamang impluwensya kay Sarah katulad ng mga iniisip ng iba. “Gusto ko ring i-clear, baka isipin ng mga tao na ako ‘yung nagyayakag kay Sarah. Kung saan-saan ko dinadala si bagets,” giit niya.

Jay-r Gusto nang maging kapamilya

Madalas mapanood ngayon sa Kapamilya network ang R&B singer na si Jay-R. Nakilala ang singer dahil sa kanyang paglabas sa ilang programa ng GMA 7 kaya marami ang nagtatanong kay Jay-R kung lilipat na ba siya sa ABS-CBN. “Well actually, the question is gusto ba ng ABS? Kasi, you know, I would love to, para maiba naman ‘di ba?” nakangiting pahayag ni Jay-R.

Nag-expire na raw ang kontrata ng singer sa kabilang istasyon noong isang buwan, kaya nakalalabas siya sa ilang Kapamilya shows. Dapat ay matagal na raw nakalipat si Jay-R sa bakuran ng ABS-CBN pero hindi naman ito natuloy. “Well, that was the whole business side na nangyari na medyo I let Arnold (Vegafria, manager ng singer) take care of. Kasi siyempre ‘yung usapan na business, I stay away na. I take care of the creative side na lang,” paliwanag ng binata.

Kung sakaling lilipat na ng mother studio si Jay-R ay mananatili naman daw ang pagkanta niya ng mga R&B. “At first noong bagong dating ako dito (mula Los Angeles), a lot of people were saying na R&B isn’t masa, na hindi magwo-work, but you know, from my experience, it worked for me. It gave me my own little niche and I just worked with that. Passion ko talaga eh. I love it,” pagtatapos ni Jay-R.  Reports from JAMES C. CANTOS  

HATING KAPATID

JAY

JAY-R

JUDAY

JUDY ANN

JUDY ANN SANTOS

KASI

MATTEO GUIDICELLI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with