^

PSN Showbiz

Go signal na lang ng mga big boss ang hinihintay, Startalk may malaking bombang pasasabugin!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hawak ngayon ng Startalk ang big story na pinag-uusapan na mabuti kung ilalabas namin dahil may mga tao na maaapektuhan.

Hindi ako puwedeng magbigay ng clue dahil malaking-malaki ang story. Hihintayin pa ng Startalk staff ang go signal ng mga big boss kung papayagan ang aming show na ilabas ang big issue na tiyak na pag-uusapan at gigimbal sa sangkatauhan.

Louise lilinawin na ang isyung kinasangkutan

Si Louise delos Reyes ang subject ko sa Solist segment sa Startalk.

Mapapanood ngayong hapon sa Startalk ang interbyuhan portion namin ni Louise na hindi nakaligtas sa mga tanong ko tungkol sa break-up nila ni Enzo Pineda at sa natsisismis na pagkakamabutihan nila ni Aljur Abrenica.

Nang pumutok ang tsismis na may relasyon sila na nabuo sa set ng Kambal Sirena, pinili nina Louise at Aljur na manahimik at hayaan na kusang mamatay ang intriga.

Pagkatapos ni Lovi, Rocco may sasabihin sa relasyon nila ni Lovi

Ininterbyu ko rin si Rocco Nacino para sa Solist at siyempre, tungkol sa love affair nila ni Lovi Poe ang inusisa ko sa kanya.

In love na in love si Rocco kay Lovi at halatang-halata ito sa kanyang mga kilos at pananalita.

Lucky guy si Rocco dahil sa mga nakarelasyon ni Lovi, siya lang ang inamin sa publiko ng kanyang girlfriend.

Tapos na ang relasyon ni Lovi kina Ronald Singson at Jake Cuenca nang mapaamin ko siya sa kanyang live guesting sa Startalk noong nakaraang Sabado.

Pagkatapos makumbinsi si Lovi na umamin, si Rocco naman ang tinanong ko tungkol sa kanilang dalawang buwan na relasyon na nagsimula sa set ng teleserye nila noon sa GMA 7, ang Akin pa rin ang Bukas.

Prayers para sa nasirang mister mo Mama Babette..

Nakikiramay ako sa aking BFF, ang Paris-based na si Mama Babette Aquino-Benoit.

Sumakabilang-buhay ang French husband ni Mama Babette dahil sa heart attack.

Sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr. ang mga unang nakiramay kay Mama Babette na nagpadala sa akin ng text message para ibalita ang malungkot na nangyari sa kanyang asawa.

Mabilis na nakapunta sa Paris sina Mama Vicki at Hayden dahil nanggaling sila mula sa London.

Hindi ako nagkaroon ng chance na ma-meet ang mister ni Mama Babette sa dalawang beses na pagpunta ko sa Paris noong 2011 at 2013.

Kilalang-kilala si Mama Babette ng mga Pinoy sa Paris dahil siya ang takbuhan nila kapag meron silang mga problema, personal man o sa trabaho.

Very generous, kind, and accommodating si Mama Babette. Hindi siya mahirap lapitan at hingan ng tulong. Again, ang aking pakikiramay kay Mama Babette at sa mga naulila ng kanyang asawa.

Mas marami ka pa sanang mapasaya Mama Pinky…

Ipagdiriwang ngayon ng aking another best friend, si Pinky Tobiano, ang kanyang kaarawan sa piling ng mga senior citizen sa Golden Acres Homes.

Tulad ng kanyang tradisyon na nakaugalian, magdadala si Mama Pinky ng mga pagkain at regalo sa Golden Acres bilang birthday treat niya sa mga matatanda na inabandona ng sariling  pamilya.

Maraming kaibigan na entertainer si Mama Pinky. Malamang na mag-imbita siya ng mga singer na magpapasaya sa mga senior citizen ng Golden Acres. Close si Mama Pinky kina Yeng Constantino, Erik Santos, at Rachelle Ann Go na hindi makararating sa birthday celebration na magaganap ngayon dahil nasa London siya para sa Miss Saigon. (Happy Birthday Pinky. All the Best. SVA)

vuukle comment

BABETTE

GOLDEN ACRES

LOVI

MAMA

MAMA BABETTE

MAMA PINKY

ROCCO

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with