^

PSN Showbiz

Zsa Zsa nakikitira na sa bahay ng boyfriend na arkitekto!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Sa bahay na pala ng boyfriend niyang si Architect Conrad Onglao nakatira ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla ayon sa isang source.

Yes, nakikita na raw itong umuuwi sa bonggang bahay ng arkitekto.

Minsan pa nga raw ay sinusundo pa si Ms. Zsa Zsa ng kanyang boyfriend sa taping na mas lalo raw ikinai-in love ni Divine Diva.

Pero ang feeling ng source ko, mas mahal ni Zsa Zsa ang boyfriend dahil kitang-kita raw sa hitsura nito na sobrang proud sa kanyang karelasyong nagde-design ng bahay ng mga bilyonaryo sa bansa.

Ang maganda lang daw, boto ang mga anak ni Mr. Onglao sa singer-actress. Tsika kasi ng source, merong naging GF ang arketikto na ayaw ng mga anak nito.

Ang anak daw ni Zsa Zsa na si Zia ay nagso-solo na sa condo, kaya hindi ito kapisan ni Zsa Zsa sa bahay ng boyfriend niya at dalawang anak nito.

Mikael Daez naiilang sa malaking boobs ni Andrea

Magtatambal ulet sa isang drama series sina Mikael Daez at Andrea Torres sa upcoming GMA Afternoon Prime drama series na Ang Lihim ni Annasandra. Ito na ang ika-third project nila together. Una silang natambal sa remake ng afternoon prime series na Sana ay Ikaw na Nga at nasundan ‘yun ng morning rom-com na With a Smile.

Kakaiba ang kuwento ng Ang Lihim ni Annasandra, may bampira.

“It feels really good to do something new with Andrea. We’ve grown close over the years we’ve worked together. Mas alam na naming diskartehan ang mga eksena at nag-mature na kami as a love team,” sabi ni Mikael.

“Masaya ako na si Mikael ang katambal ko uli. Kahit may pagka-daring ang ilang eksena, comfortable po ako sa kanya,” say naman ni Andrea na ayaw pang mag-all out sa pagpapa-sexy. Hinay-hinay lang daw ang gagawin niya.

Though hindi lang pagpapa-cute cute ang Annasandra, meron siya ritong parang nakahubad na eksena. “Naniniwala po ako sa proyektong ito. Wala namang ibinigay na hindi quality program ang GMA sa akin,” sabi niya.

At sa sobrang pagiging comfortable nila, nabibiro na ni Mikael si Andrea tungkol sa size ng boobs ng Kapuso actress na papasa sanang pang-cover ng men’s magazine.

Minsan daw na nagre-rehearse sila ng dance number at kailangan niyang buhatin ang kapareha pero binigyan daw sila ng instruction na kailangan ni Mikael na tingnan si Andrea sa mata. Nag-dialogue daw ang nababalitang boyfriend ni Megan Young na hindi niya makita ang mukha nito dahil nakaharang ang boobsie ng  kanyang leading lady.

At kung may Megan si Mikael, si Sef Cadayona naman sinasabing madalas ka-date ni Andrea. Pero todo tanggi siya. “Ayoko munang magrelasyon talaga. May tendency kasi ako na ‘pag may boyfriend, masyadong tutok. Baka ma-distract. Pero mabait siya. Puwede rin naman siguro kung maiintindihan niya ang schedules ko!” biglang pahabol ni Andrea kahapon.

Kasama rin si Pancho Magno sa Ang Lihim ni Annasandra. Mas challenging daw ang role niya rito.

Gumawa ng ingay si Pancho nang rumampa siyang bakat ang bukol sa isang fashion show.

Mapapanood ang Ang Lihim ni Annasandra sa Afternoon Prime block ng GMA soon.

vuukle comment

AFTERNOON PRIME

ANDREA

ANG LIHIM

ANNASANDRA

DIVINE DIVA

MIKAEL

ZSA

ZSA ZSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with