^

PSN Showbiz

Rebeldeng dalaga, nabuntis ng sariling ama!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lahat tayo naghahanap ng pagmamahal, ngunit paano kung ang mahanap mong pagmamahal na makapagpapasaya sa ‘yo ay isa palang mali at ba­wal na pag-ibig?

Ito ang kuwento ng buhay ni Kim (hindi niya totoong pangalan), isang dalaga na matapos ipa­sa ng sariling ina para ipaalaga sa iba, ay nakatagpo sa wakas ng pagmamahal na nagpapaligaya sa kanya sa piling ni Mang Orly. 

Mabait si Mang Orly. Siya ay maaruga at maa­lalahanin. Dito naramdaman ni Kim ang isang ka­ka­ibang pagmamahal na walang halong sumbat at walang panghuhusga. Mas may edad man ang lalaki sa kanya, na­kita rin ng mga tao kung paanong nabago ni Mang Orly ang buhay ni Kim. Kung paano niya ito napabuti.

Kaya naman hin­di nagdala­wang-isip si Kim na ipakila­la si Mang Orly sa kan­yang ina. Isang pagpapakilala na si­si­ra sa lahat. Dahil nagkakilala na pala noon sina Orly at ina ni Kim na si Yolly. Dahil may na­magitan na sa kanila noon. Dahil nagkaroon sila ng anak.

Paano haharapin nina Kim, Mang Orly, at Yolly ang kapalarang inihain sa kanila? Magagawa pa bang itama ang isang pag-ibig na ipinagbabawal?

Itinatampok sina Louise delos Reyes sa isang natatanging pagganap bilang Kim, si Ricky Davao bilang Mang Orly, at si Gina Alajar bilang Yolly. Kasama rin sina Mel Kimura, Reese Ta­yag, at Bryan Benedict, with the special participation of Phytos Ramirez.

Mula sa direksyon ni Gil Tejada, Jr., sa panulat ni Michiko Yamamoto at sa pananaliksik ni Loi Argel Nova, tuklasin ang kinahantungan ng kuwentong Ama ko, Ama ng Anak ko ngayong Sabado sa Magpakailanman pagkatapos ng Marian sa GMA7.

BRYAN BENEDICT

DAHIL

GIL TEJADA

GINA ALAJAR

KIM

LOI ARGEL NOVA

MANG ORLY

SHY

YOLLY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with