Young matinee idol keber kung sikat siya, nagpo-post ng lasing na picture sa social media
Hindi careful ang young matinee idol (YMI) na ito sa pagpo-post ng pictures niya sa Instagram (IG) dahil pati litratong mukha siyang lasing ay pino-post pa. Mabuti na lang at mahal siya ng kanyang followers/fans, iniintindi siya at binibigyan ng rason kung bakit niya pinost ang picture na lasing siya.
Naggu-goodtime lang daw si YMI kaya pagbigyan na lang, basta hindi naaapektuhan ang trabaho nito at walang negative na balitang lumalabas sa ginagawa.
Pero may mga level headed fans si YMI na nag-comment na naging careless na naman ito sa pagpo-post ng pictures na lasing siya. Apparently, hindi ito ang first time na ginawa ni YMI at wish nilang hindi na maulit. Sana raw maisip ni YMI na sikat na siya at may career na dapat ingatan.
Lovi gumaan ang pakiramdam nang aminin si Rocco
Natawa si Lovi Poe sa nalamang Kabitenya (for kabit) at Shielandi (landi) ang tawag sa kanya sa social media dahil sa role niyang second wife ni Dingdong Dantes sa Ang Dalawang Mrs. Real. Masaya itong apektado ang viewers sa role at karakter niya.
Matagal pa ang tatakbuhin ng Ang Dalawang Mrs. Real dahil nasa week 6 pa lang ito.
Nag-react din si Lovi sa comments ng viewers na tanga ang mga karakter nila ni Maricel sa teleserye dahil kahit noong nalaman na nilang pareho silang pinakasalan, ayaw pa ring makipaghiwalay.
Hindi siya apektado at naiintindihan na may kanya-kanyang sentiments ang manonood. Naiinis, pero gusto pa rin ang kanyang role at ayaw sa karakter niyang si Shiela dahil naniniwalang ang mga babae dapat ay may sariling mundo at kayang umalis ‘pag may mga nangyayari na hindi maganda.
Tungkol naman sa pag-amin niya sa relasyon nila ni Rocco Nacino, right time na for her na aminin ang kanilang relasyon at ang gaan daw ng pakiramdam niya mula nang isiwalat kay Lolit Solis ang relasyon nila.
“Everything is going on smoothly. Walang pressure sa relasyon namin, para lang kaming magbarkada. Mabait si Rocco and we’ve been friends for the longest time at hanggang ngayon friends pa rin kami,” wika ni Lovi.
Lucy bantayan mo ang asawa mo Richard at Dawn ‘nagkabalikan’?!
Nag-last shooting day na ang She’s Dating the Gangster noong isang araw at sa pictures na pinost ni Richard Gomez sa Instagram (IG), magkakasama sila nina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, at Dawn Zulueta sa shooting.
Hindi sinabi kung ano ang role nina Richard at Dawn na special guests sa Star Cinema movie na showing sa July 16 sa direction ni Cathy Garcia-Molina. Tama ba ang nasulat na sila Richard at Dawn ang gaganap na older character nina Daniel and Kathryn?
Pang limang pelikula na nina Daniel at Kathryn ang She’s Dating the Gangster na showing sa July 16. Pero sabi ng dalawa, ito ang pinakamalaki, pinakaseryoso, at pinaka-matured ang tema. Nahirapan silang gawin, pero masaya sila sa resulta.
Joseph Marco pinalitan si Andre Paras
Kahapon ang presscon ng Trophy Wife, pero the day before, nakausap namin si director Andoy Ranay at nabanggit na hindi siya sigurado kung makakadalo sa presscon nang nasabing Viva Films movie na kanyang dinidirehe.
May ocular inspection daw siya para sa location ng next Viva Films movie niyang Talk Back and You’re Dead na follow-up ng Diary ng Panget. Kapag hindi nagti-taping ng teleserye, nagsu-shooting siya ng follow-up movie nina James Reid at Nadine Lustre dahil sa August na ang play date nito.
Tinanong namin si Direk Andoy kung bakit hindi na kasama si Andre Paras sa Talk Back..., gusto pa naman nitong mapasama sa movie and to work with James, Nadine, and Yassi Pressman again? Kasama pala dapat si Andre sa cast, pero dahil sa conflict of schedule dahil may school at soap ito, kay Joseph Marco napunta ang role na dapat sa kanya.
Samantala, may magandang kuwento si Direk Andoy tungkol kay Maricel Soriano na isa sa major cast ng Ang Dalawang Mrs. Real. Naka-eksena pala niya ang aktres noong talent pa lang siya sa Maricel Drama, passerby siya, walang dialogue at magkakasalubong lang sila.
Naalala rin ni Direk na na-starstruck siya sa aktres, pero wala siyang chance na makausap man lang ito dahil after ng scene, pack-up na siya.
- Latest