AiAi hindi pinapatulan ni Kris
Dapat itigil na ni AiAi delas Alas ‘yung pakikipag-away niya kay Kris Aquino. Tutal wala na naman siyang narirnig mula rito. Tila nga dini-dedma na lang nito. Tuloy napagbibintangan siya na sumasawsaw lang sa mga isyu para ma-revive ang away nila ng presidential sister. It seems sa dalawa, mas malaki ang galit ng komedyana.
Daniel kinaiinggitan
Napaka-unfair naman nung nagsasabing mas mukhang albularyo si Daniel PadIlla sa kanyang looks sa bago niyang movie. Hindi naman ah. In fact, mas nakita ko na mas gumwapo siya at naging mas appealing kung mahaba ang buhok niya, Kaya nga nagsisinungaling ‘yung mga bashers niya sa pamimintas sa kanya. Hindi nga siya mukhang gangster sa movie, para nga siyang hippie. Eh, I’m sure hindi alam ng mga generation ngayon kung ano at sino ang hippie.
I’m sure, ‘di fans ni Daniel o ng Kathniel ang nagsabing mukhang albularyo si Daniel. Baka naiinggit lang ito dahil kahit anong gawin ni Daniel sa kanyangg sarili, lumalabas pa rin ang kagwapuhan niya.
Sen. Bong at Sen. Jinggoy puwedeng mag-share ng pagkain sa ibang preso
Baka nga hindi na makilala ng mga tagasubaybay nila sina Senador Jinggoy Estrada at Bong Revilla, sa rami ba naman ng kinakain nila sa loob ng kulungan, eh grabe ang kanilang paglobo! Kung ako, para hindi sila kainggitan ng mga kapwa nila preso, mag-share na lang sila ng food sa kanila kung papayagan sila.
- Latest