^

PSN Showbiz

Katrina ayaw nang i-protesta ang pagiging doktor uli ng ex

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nag-move on na si Katrina Halili kaya ayaw na niya na magsalita tungkol sa reinstatement ni Hayden Kho, Jr. bilang doktor.

Ipinauubaya ni Katrina ang pagsasalita sa kanyang abogado dahil ito ang unang pumalag sa desisyon ng Professional Regulation Commission.

Republic Act 9262 or Violence Against Women and Children ang kaso na isinampa noon ni Katrina laban kay Hayden dahil sa pagkalat ng kanilang sex video. Na-dismiss ang kaso pero binawi ng PRC ang medical license ni Hayden.

Binawi ng PRC ang lisensya ni Hayden noong 2011 pero hindi naman siya naging jobless. Nagtayo ng perfume business si Hayden at naging Christian.

Makalipas ang tatlong taon, back to normal ang buhay ni Hayden dahil ibinalik ng PRC ang kanyang medical license pero hindi ito matanggap ng lawyer ni Katrina.

Abangan natin ang mga susunod na kabanata dahil mukhang magiging malaki ang isyu. Hindi na talaga tinantanan si Hayden ng mga intriga at kontrobersya.

Pakikipagkaibigan ni Mona Louise sa ‘multo’ patok

Mapapanood ngayong gabi sa My BFF ng GMA 7 ang patuloy na pagbibigay ni Chelsea (Jillian Ward) ng proteksyon kay Rachel (Mona Louise Rey).

Madalas na nagkakasama sa taping ng My BFF sina Jillian at Mona Louise. Wish ko lang, maging BFF na sila sa tunay na buhay, lalo na ang kanilang mga nanay.

Anyway, happy ang Kapuso Network management dahil mataas ang ra­tings ng My BFF. Hit na hit sa young and adult viewers ang friendship ng isang tao at ng isang multo.

Sa totoo lang, may surprise twist ang kuwento ng My BFF pero hindi ko sa­sabihin para hindi mabawasan ang interes ng televiewers.

Rap at Renz sabit sa pagpunta namin ni LT sa Europe

Kasama namin ni Lorna Tolentino sa aming biyahe sa Europe ang kanyang mga anak na sina Rap at Renz.

Kasali kasi sa bucket list ng mag-iina ang bumiyahe sa iba’t ibang bansa na magkakasama sila.

Kasali si Renz sa cast ng Yagit, ang coming soon teleserye ng GMA 7. Ipinagpaalam na rin ni Renz sa production staff ng Yagit ang pag-alis niya.

Pinayagan naman si Renz pero pinababalik siya sa July 16 para sa taping ng Yagit na remake ng blockbuster soap opera noon ng GMA 7.

Natatandaan ko na mahina pa noon ang signal ng GMA 7 pero talagang tinututukan ng manonood ang Yagit na isinalin pa sa pelikula ng Viva Films.

Maganda sana kung mahanap ng GMA 7 ang mga original star ng Yagit na siguradong may mga asawa’t mga anak na ngayon. Sina Jocelyn dela Cruz, Tom Tom at Janet Eliza Giron ang original stars ng Yagit.

Alfred nag-isang buwan sa Spain!

Bumalik na sa bansa si Quezon City District 5 House Representative Alfred Vargas na halos isang buwan nanatili sa Spain.

Dumalo kahapon si Alfred sa presscon ng Ci­nemalaya Independent Film Festival dahil isa siya sa mga bida ng S6parados.

Bukod sa starring siya sa S6parados, co-produ­cer si Alfred ng kanyang comeback movie. Maganda ang role ni Alfred sa indie movie na official entry sa 10th Cinemalaya Independent Film Festival. May number 6 ang title ng pelikula dahil tungkol sa anim na lalaki na hiwalay sa kanilang mga dyowa ang kuwento ng S6parados.

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

DAHIL

HAYDEN

HAYDEN KHO

HOUSE REPRESENTATIVE ALFRED VARGAS

MONA LOUISE

RENZ

YAGIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with