Raymart at Claudine isang buwang pahinga sa pag-apir sa korte
PIK : Tahimik na ngayon ang kampo nina Raymart Santiago at Claudine Barretto, dahil napagkasunduang ceasefire na muna at wala na munang may magsasalita sa kanila.
Nagbakasyon muna si Raymart sa Thailand dahil magsisimula na ito ng panibagong project sa GMA 7.
Ayaw na nilang may magsasalita dahil isang buwan silang bakasyon sa hearing.
Sa susunod na buwan na sila uli maghaharap sa korte, at inaasahang magiging okay na ang mag-asawa pagdating sa custody ng kanilang anak.
Mas mabuting manahimik na raw sila, at sa korte na lang magbalitaktakan, hindi sa media.
PAK: Kumalat ang balita kahapon na naibalik na raw ang medical license ni Hayden Kho.
Hindi lang namin alam ang buong detalye, at kung totoo nga ito. Hindi lang namin ma-contact si Dra. Vicki Belo na dinig namin nasa London ito kasama si Hayden na nag-aaral doon ng Theology.
Aktibo si Hayden sa pagiging Christian niya at mukhang magiging pastor na siya, at pinag-aaralan niya ito sa London.
Kung matutuloy ang pagka-pastor niya, hindi lang Pastor ang tawag sa kanya kundi balik na sa Dr. Hayden Kho.
BOOM : May lumabas na balitang itinatanggi raw ni Judy Ann Santos na siya ang tumulong para makapag-bail si direk Dante Ga Garcia na ipinakulong ni Harlene Bautista dahil sa Estafa case at iba pang kasong isinampa laban sa kanya.
May nagkuwento rin kasing hindi lang si Judy Ann kundi nag-ambag-ambag ang ilang kaibigan ng direktor para makalabas ito ng kulungan at wala naman daw magagawa diyan si Harlene.
Pero nilinaw ng actress/producer na kaya ginawa niya ito kay Direk Ga na matalik niyang kaibigan, dahil gusto niyang may matutunan siya sa ginawa nito.
Ilang beses daw niya itong iniyakan dahil labag naman sa kalooban niya itong ginawa niyang pagdemanda at pagpapakulong kay direk Ga. Pero kailangan daw niyang gawin, dahil alam niyang makakatulong ito sa naturang direktor.
“Kung mahal mo ‘yung isang tao, kahit masakit sa ‘yo pero dahil mahal mo siya at gusto mo siyang matulungan, meron kang gagawin kahit na masakit sa ‘yo pero alam mong makakatulong sa kanya,” pahayag ni Harlene nang nakausap namin sa nakaraang premiere night ng pelikulang Kamkam na prinodyus din niya.
- Latest