^

PSN Showbiz

Vice Ganda nagsalita sa pagmumura kay bossing Vic

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan ay naglabasan sa ilang social networking sites ang tungkol sa diumano’y pagsasabi ni Vice Ganda ng hindi magagandang salita tungkol kay Vic Sotto. Iba’t ibang bersyon at mga link din ang lumabas kaugnay nito. Ngayon ay tinuldukan na ni Vice ang isyung kinasasangkutan niya. “It’s a hoax! Parang ‘yung ano dati, ‘di ba may kumalat sa text na link na ‘pag binuksan mo, sex video. ‘Pag gano’n, wala naman. Gawa-gawa lang ng mga praning,” bungad ni Vice.

Magkatapat na umeere sa tanghali ang mga programa nina Vice at Vic kaya raw posibleng pinagbabangga ang dalawa. “Noong tinanong ako, totoo bang ginawa mo ‘yon? Sabi ko, ‘Napaka-imposible naman no’n. Vic Sotto is an icon.’ As a comedian na nagsisimula pa lang, he’s my icon di ba? Gano’nin ko ‘yung icon ko?” giit ng komedyante. Hindi rin daw talaga magagawa ni Vice kay Vic o sa kahit sino man ang ipinaparatang sa kanya. “Wala naman sa karakter ng tao na gagawa ng gano’n,” pagtatapos niya.

Beauty ginagawang Psychologist ang bf na businessman

Masayang-masaya raw si Beauty Gonzales sa relasyon niya sa kasintahang mas matanda sa kanya ng labing anim na taon. “He’s a businessman, he’s into construction. He’s older than me, much older than me. He is 16 years older than me pero he’s not married. Kasi parang nagkakilala kami, we became friends for four years bago naging kami. So we had that foundation,” pagbabahagi ni Beauty. Suportado ng kanyang nobyo ang pag-aartista ni Beauty kaya inspired din ang aktres sa lahat ng kanyang mga ginagawa. “Sobrang he supports me all the way. As in wala akong mareklamo. Like now I’m preparing for a fashion show with a magazine, siya ang naghahanda ng ulam ko, siya ‘yung coach ko, psychologist. Kasi siyempre ‘pag nag-e-exercise ako, mainit na ulo ko. Siya talaga ‘yung nagpu-push sa akin. He’s the best thing that happened to me,” kwento ng dalaga.

Malaki raw ang nabago sa pagkatao ni Beauty mula nang makarelasyon ang lalaki. “Kasi dati I’m not like this. I don’t usually appreciate e­verything na nangyayari sa akin pero ngayon pinapa-feel niya sa akin na, ‘You know what? You’re so blessed with everything that is happening to you.’ Sobrang maraming nagbago sa akin no’ng nakilala ko siya,” dagdag pa ni Beauty.

Dalawang taon na ngayong magkarelasyon ang dalawa at para kay Beauty ay ito na rin daw ang nakikita n­iyang makakasama sa habang buhay. Reports from JAMES C. CANTOS  

BEAUTY

BEAUTY GONZALES

DALAWANG

GANO

GAWA

KASI

SOBRANG

VIC SOTTO

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with