^

PSN Showbiz

Glaiza De Castro, natulala kay Benjamin Alves

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong linggo sa Dading, natuloy na nga ang kasal nina Carding (Gabby Eigenmann) at Beth (Glaiza De Castro). Masaya na sana ang kanilang pamilya nang biglang magulat at matulala si Beth nang makita si Joemer (Benjamin Alves).

Larawan ng isang magandang pamilya sina Carding, Beth, at Precious (Zarah Mae Deligero). Katu-katulong ni Carding si Precious sa bakery habang nakahanap naman ng trabaho si Beth sa isang ospital sa Maynila. Sa unang araw ng kanyang trabaho ay hindi inaasahang makita niya si Joemer mula sa sinasakyang jeep. Aligagang papasok si Beth sa bago nitong trabaho. Bagama’t kapansin-pansin ang kanyang kakaibang kilos, itatanggi ni Beth na may bumabagabag sa kanya.

Sa ospital, darating naman si Celine Villangca (Chynna Ortaleza). VIP kung ituring siya sa ospital kaya naman todo asikaso sa kanya ang lahat. Lingid sa kaalaman ni Beth na si Celine pala ay ang kasalukuyang girlfriend ni Joemer.

Mag-abot na kaya sa ospital sina Joemer at Beth? Sabihin kaya ni Beth ito kay Carding?

Mapapanood ang Dading pagkatapos ng The Half Sisters mula Lunes hanggang Biyernes sa Afternoon Prime block ng GMA.

AFTERNOON PRIME

ALIGAGANG

BENJAMIN ALVES

BETH

CELINE VILLANGCA

CHYNNA ORTALEZA

GABBY EIGENMANN

GLAIZA DE CASTRO

HALF SISTERS

JOEMER

ZARAH MAE DELIGERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with