^

PSN Showbiz

Aktres hindi na idini-deny na nilayasan ang asawa, pumatol sa pamilyadong actor-politician

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi idine-deny ng aktres na hiwalay na sila ng kanyang asawa, pero unfair naman na ipagpilitan ng iba ang tsismis na may relasyon sila ng isang pamilyadong actor/politician.

Puro haka-haka lamang ang lahat na in love na in love ang aktres sa actor-politician. Walang ebidensya na makapagpapatunay na may illicit love affair ang dalawa.

Hindi itinatanggi ng aktres na nakipaghiwalay siya sa kanyang asawa pero hindi niya sinasabi ang tunay na rason ng kanilang paghihiwalay, kahit may mga sitsit na sinasaktan ang aktres ng ex-dyowa niya.

Walang maglakas ng loob na magtanong sa actor-politician tungkol sa napababalita na relasyon nila ng aktres dahil afraid sa kanya ang mga tsismoso at tsismosa.

Louise parang buntis ang hitsura

Saan kaya nanggaling ang tsismis na buntis si Louise delos Reyes?

Kung kailan natapos na ang Kambal Sirena, saka lumitaw ang tsismis na buntis si Louise.

Isang co-star ni Louise sa Kambal Sirena ang nagsabi sa akin na tumaba at posibleng ito ang dahilan kaya natsismis siya na buntis.

Natapos kasi ang Kambal Sirena na hindi nagsalita sina Louise at Aljur Abrenica tungkol sa intriga na may relasyon sila, at ito ang puno’t-dulo ng paghihiwalay nina Aljur at Kylie Padilla.

Isa lamang si Louise sa maraming aktres na napapabalita na buntis pero ang totoo, tumaba lamang siya.

Alden wish na hindi preggy si Louise

Ibinalita kahapon sa Balitanghali ng GMA News TV ang reaksyon ni Alden Richards sa bagong tsismis tungkol kay Louise na dating ka-love team niya.

Hindi rin naniniwala si Alden na buntis si Louise at sana nga raw, hindi totoo ang kumakalat na tsismis.

Malapit sa isa’t isa sina Alden at Louise. Sinabi ni Alden na wala raw nababanggit si Louise tungkol sa iniintriga na kalagayan ng young actress.

Amy kakayod uli para makalimot sa apo

Malapit nang mapanood muli sa TV si Amy Austria dahil tinanggap niya ang offer ng drama series ng isang major TV Network.

Matagal-tagal din na hindi napanood si Amy sa TV dahil naging priority niya ang pag-aalaga sa kanyang apo na si Sabina.

Bumalik na si Sabina sa New Zealand dahil dito siya nag-aaral. Ang kanyang mga magulang ang sumundo sa kanya sa poder ni Amy na malungkot na malungkot kaya tinanggap niya ang drama series para malibang.

Naiiyak pa rin si Amy kapag naalaala si Sabina. Nakaplano na nga ang bakasyon nila ng kanyang mister sa New Zealand para madalaw ang kanilang apo.

Model-actor pumatol sa singer-actor

Idinenay ng isang model-actor ang rumored relationship nila ng singer-actor na matagal nang questionable ang gender.

Maraming tsismis tungkol sa model-actor na puno ng hiwaga ang buhay.

May mga nagsasabi na pumapatol siya sa mga gay, if the price is right. ‘Yun nga lang, kiss-and-tell ang model-actor dahil kapag nalilibang, ikinukuwento niya sa iba ang kanyang extra-curricular activities. Napagdududahan tuloy siya na baklita rin.

More blessings Mama Pinky!

Advance happy birthday sa July 12 sa aking bestfriend na si Pinky Tobiano, ang producer ng mga inspirational CD ni Lorna Tolentino sa Star Records.

Tulad ng kanyang panata at nakagawian, ipagdiriwang ni Mama Pinky ang birthday niya sa piling ng mga senior citizen sa Golden Acres.

Nangangailangan ng tulong ang Golden Acres at ang mga matatanda na nakatira doon kaya hulog sa kanila ng langit si Mama Pinky na never na nakalimot.

May mga kaibigan na showbiz personality si Mama Pinky na nag-promise na susuportahan ang kanyang advocacy.

                             

vuukle comment

ACTOR

GOLDEN ACRES

KAMBAL SIRENA

KANYANG

LOUISE

MAMA PINKY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with