Derek gumiling-giling sa harap ni Cristine
MANILA, Philippines - Ano kaya ang magiging reaction ni Sen. Chiz Escudero sa ginawang pagpapa-sexy ni Heart Evangelista sa ipalalabas niyang pelikula na Trophy Wife? Aba sa pictorial pa lang daw, nagbabaga na ang mga ginawa ng mga bida sa pelikula including Cristine Reyes, John Estrada, and Derek Ramsay.
Patikim pa lang daw ‘yun dahil mas bongga ang mga eksena sa buong pelikula na lutang na sa trailer pa lang.
Patalbugan ang eksena nina Cristine at Heart at hindi nagpahuli si Derek.
Magiging asawa ni John si Cristine na ex ni Derek na karelasyon naman ni Heart. So doon sila magkakagulo.
Ito ang first time na magkakasama uli sa pelikula ang mag-e-ex na sina Cristine and Derek and Heart and John (yup balitang naging sila noong magkasama sila sa isang soap many years ago sa ABS-CBN).
At may isang video si Derek na kumakalat na sumasayaw siya na parang macho dancer. Obviously, katuwaan lang. ‘Yun pala ay nagbi-video si Cristine. As in parang nangse-seduce ang aktor na pinagpipyestahan ngayon.
Well, hindi kaya uli na-develop ang dalawa habang nagso-shooting sila?
Showing na sa July 30 ang Trophy Wife for Viva Films na idinirek ni Andoy Ranay.
Phillip Salvador hindi malimutan ang dinanas sa mga langgam ni Robin
Nagpa-flashback sa isip ni Phillip Salvador ang panahong nakulong si Robin Padilla sa madalas niyang pagdalaw sa Camp Crame - sa mga kaibigan niyang sina Sen. Bong Revilla and Sen. Jinggoy Estrada.
Isa si Kuya Ipe sa panay din noon ang dalaw kay Robin sa Muntinlupa. Naalala ko, one time nagdala siya ng coaster kaya nakasama kaming bumisita sa nakulong noong actor sa kasong illegal possession of firearms.
Nakapasok naman kami at doon nakuwento ni Robin ang mga langgam na gumagapang sa kanya hanggang sa tenga dahil may ibang preso raw na naglalagay ng mga langgam malapit sa kanyang uluhan habang natutulog. Kaya naman kanya-kanyang gapang ang mga langgam hanggang napapasukan nga ang kanyang tenga.
Lahat ‘yun naalala ni Kuya Ipe ngayon na ‘pag nagkataon ay mararanasan din ng kanyang dalawang senador na kaibigan.
Isa siya sa consistent na bisita ng dalawa. Pero nung minsang dumalaw siya ay nagkasakit si Phillip. Sobrang init daw kasi sa loob, kaya talagang hindi kinaya ng katawan niya. Buti na nga lang daw at maulan na kaya hindi na gaanong mainit ang pinaglalagakan sa magkaibigang aktor-senador na parehong nakapiit sa kasong plunder.
Walang masyadong ginagawa si Kuya Ipe kaya pag may schedule na dalaw napupuntahan niya sina Bong at Jinggoy.
- Latest