^

PSN Showbiz

Julia, James, Hiro, at Ken tatanggap ng award!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Dalawa lamang sila Julia Barretto at James Reid na pagkakalooban ko ng German Moreno Young Achievers Award sa darating na Famas Awards. Kasama rin nila, sina Hiro Peralta at Ken Chan na sana ay hindi tutulan ng marami dahil sa dinami-rami ng mga kabataang artista natin ngayon, ang anim na ito ang itinuturing kong may pinaka-malayong naabot sa kanilang career. Congra­tulations sa kanila at sana maging mas magandang ehemplo pa sila sa marami nilang kasamahang artista, at sa mga kabataang sumusubaybay sa kanila.

Tween stars nakalilimutan na ng GMA?!

Gusto ko ring tulungan ang GMA na mai-push ang tambalan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali bilang love team. Pakiramdam ko ay napabayaan kundi man nakalimutan na ng Kapuso Network ang pagtutulak para mapasikat pa ang mga kabataang artista na pinagpapares-pares nila. O baka naman, fee­ling nila ay sikat na ang mga kabataang ito kaya they are on their own na.

Siguro nga sikat na sina Barbie, Derrick, Jake, Bea, Kristoffer, Joyce at mga kasama pero pwedeng mas sumikat pa sila kapag hindi itinigil ang build up sa kanila at pagbibigay ng mga proyekto bilang magkaka-love team.

‘Pag naalagaang mabuti Miguel puwedeng maging tulad ni Dennis Trillo

Itong si Miguel Tanfelix ay gumuguwapo habang nagbibinata. Maswerte ang GMA kapag napalaki nila ang pa­ngalan nito. May talento kasi ang bata at malaki ang potensyal na ma­ging isang Dennis Trillo o Dingdong Dantes sa hinaharap. Napapa­nood n’yo ba siya sa Niño? Hindi ba tama ang sinasabi ko? Nung una ko siyang makita ay agad ko siyang inalok  na makasama sa Walang Tulugan with the Master Showman, pero sinabi niya na meron nang nag-aalaga sa kanya, si Direk Maryo J. delos Reyes kaya hinayaan ko na lang siya.  I thought he was already in good hands at true enough sa isang serye siya ni Direk Maryo J. inilagay at napapansin na siya ngayon.

Walang Tulugan… pinagpupuyatan!

Marami pa rin ang nagtatanong kung okay ba sa akin ‘yung time slot ng Walang Tulugan. Meron daw bang nanonood ng show? Kasi disoras na ng gabi ito umeere. Sabi ko sa kanila, kung walang na­no­nood ay bibitawan ko na lang ang show. Kikita pa ako kapag kinuha ko na lamang ang incentive at hindi pa ako mapapagod at mapupuyat. Pero sa totoo lang, nagri-rate ang Walang Tulugan sa ganung oras.

Masaya na ako o na nai-extend ko ang primetime viewing sa ganitog disoras ng gabi. Maski nga sa istudyo ang daming nanonood ng live. Hindi rin naman siguro tatagal ang pagpapalabas ng show ng napakaraming taon kung wala kaming manonood.

BIANCA UMALI

DENNIS TRILLO

DINGDONG DANTES

DIREK MARYO J

FAMAS AWARDS

GERMAN MORENO YOUNG ACHIEVERS AWARD

MIGUEL TANFELIX

WALANG TULUGAN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with