^

PSN Showbiz

Idol sa Kusina, tatlong taon na!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Extra special ang mga handa ngayong Linggo ng gabi ni Chef Boy Logro dahil third anniversary na ng Idol sa Kusina sa GMA News TV.

Sa anniversary ngayong Linggo, ihahanda ni Chef Boy ang kanyang special Beef Caldereta habang binabalikan niya ang mga hindi malilimutang karanasan sa programa.

Bibisita rin si Donita Rose at maghahain ng kan­yang Pan-Fried Salmon dish samantalang isang healthy pasta dish naman ang gagawin ni Mar­co Alcaraz. Ang co-host naman na si Bettina Carlos ang in charge sa mga sweets. Ipatitikim ni Bettina ang kanyang sikat na Brownie Ice Box Cake.

Inilunsad noong 2011, ang Idol sa Kusina ang unang programa ni Chef Boy bilang TV host.  Simula noon, daan-daang masasarap na pagkain at sikreto sa pagluluto ang naibahagi na ng Idol sa Kusina na nakatanggap na ng Anak TV seal.

Siguradong mas marami pang masasarap at easy to prepare na mga pagkain mula kay Chef Boy ang matutunghayan sa Idol sa Kusina tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA News TV.

BEEF CALDERETA

BETTINA CARLOS

BROWNIE ICE BOX CAKE

CHEF BOY

CHEF BOY LOGRO

DONITA ROSE

KUSINA

LINGGO

PAN-FRIED SALMON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with