^

PSN Showbiz

Direk nahirapang paihiin ang aktor

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Natawa kami sa kuwento ng isang direktor tungkol sa naging karanasan nito sa isang young na artista niya sa isang indie movie.

May isa kasing eksena dun na kailangang maihi ni aktor at makitang basa ang suot na briefs. Paulit-ulit ang instruction ni Direk na kailangang maihi na siya. Kaso hindi ito magawa ng aktor.

Tinanong niya ito kung bakit hindi maihi na kailangan sa eksena. Nahihiya raw siya dahil ang da­ming tao sa paligid na nanunuod.

Nakahinga lang si Direk nang after two hours ay naihi rin sa wakas ang aktor kaya gumiling na ang kamera.

AiAi handa na sa pulitika

Nalulungkot si AiAi delas Alas dahil sa nangyari kina Senator Jinggoy Estrada at Bong Revilla, Jr. dahil magkakasama sila sa industriya. Kahit ganun pa rin ang nangyari ay inamin niyang hindi siya natatakot na pumasok sa pulitika. Aminado siyang kakandidato siya sa Batangas.

Katunayan humingi na siya ng payo sa kanyang idolong si Gov. Vilma Santos dahil sa pagi­ging ma­tagumpay nitong pulitiko.

Ayon dito sakaling manalo ay saka niya iisipin kung magpapatuloy pa sa kanyang pag-aartista.

Sa kabilang banda may concert sila ni Rico Puno na Macho Gwapita. Sinabi ng komedyana na sanay na siyang makipagbatuhan sa singer kahit kilala ito sa mga green jokes.

Kylie composer na rin

Seryoso si Kylie Padilla sa kanyang pagiging singer-composer. Katunayan karamihan sa mga awi­ting nakapaloob sa kanyang debut album ay gawa nito. Pinamagatang Seasons ang album ay released sa GMA Records.

Ayon pa rito malaking tulong ang pag-compose ng mga awitin dahil nagsisilbi itong outlet sa mga dina­ranas na problema laluna sa puso.

AYON

BONG REVILLA

DIREK

KATUNAYAN

KYLIE PADILLA

MACHO GWAPITA

PINAMAGATANG SEASONS

RICO PUNO

SENATOR JINGGOY ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with