Para mahiram uli ang mga anak: Claudine pinatatanggal kay Raymart ang kanyang abogado!
PIK: Balik Sunday All Stars si Regine Velasquez mamaya, kung saan magkakaroon siya ng buwis-buhay biritan, at tampok siya sa Special Duets.
Dito rin ilu-launch ng SAS ang bagong dance craze nilang “Ang Saya-Saya” kasama ang mga hosts ng mga talk show at variety shows.
PAK: Nabago ang pagtingin ng mga waiter at waitress ng isang bar sa Kabisayaan kay young actress na kung saan nagkaroon siya ng show sa lugar na iyun.
Hindi lang alam ng aming source kung nakailang bote ng beer si young actress, pero tiyak niyang uminom siya roon at umorder pa ng ilang pica-pica para pulutan niya.
Pagkatapos niyang uminom, binigay sa kanya ang bill pero bigla itong nagreklamo dahil ang dami raw nilagay sa bill niya na kailangang bayaran.
Ayaw na niyang bayaran ang bill dahil ang dami raw dinagdag na hindi naman daw niya in-order.
Mabuti at nandun ang ilang production staff na nag-aayos ng show niya, kaya sinabihan na lang daw ang waiter na huwag na lang itong singilin, at sila na lang ang bahala.
Bumalik ang waiter kay young actress at sinabi sa kanyang babayaran na lang daw ito ng production staff niya. “Okay,” lang ang sagot ni young actress at sabay alis na nakalibre tuloy nang pantoma at pulutan. Boom panes!
BOOM: Dalawang beses na palang nakasama ni Raymart Santiago ang mga anak nila ni Claudine Barretto. Mukhang maganda nga ang pag-uusap ng mag-asawa sa harap ng korte, pero ang latest na narinig namin, hindi na naman nailabas ng aktor ang kanyang mga anak.
May kinalaman kaya ito sa gulo ng mga abogado nila na ikinagalit ni Claudine?
Ang abogado ni Raymart na si Atty. Ruth Castelo ang sinisisi ni Claudine kaya magulo na naman daw.
Ang narinig namin, maaayos lang daw sila uli ni Raymart kung tatanggalin ang abogado nitong si Atty. Castelo. Kaya balak na sana ni Atty. Castelo na mag-withdraw bilang abogado ni Raymart, pero hindi naman pumayag ang aktor.
As of presstime, si Atty. Castelo pa rin naman ang legal counsel ni Raymart at hindi pa rin naman ito tinanggal.
- Latest