^

PSN Showbiz

Kasal kay Kaye hindi pa sumasagi sa isip ni Paul Jake

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Ilang buwan nang magkarelasyon sina Paul Jake Castillo at Kaye Abad at habang tumatagal ay lalo raw tumitibay ang samahan ng dalawa. Malaking bagay daw na nagsimula bilang magkaibigan ang dalawa dahil kilala na nila ang isa’t isa. “It’s always been good for me. Actually it’s happy, it’s nice and very comfortable,” bungad ni Paul Jake. “We started as friends so she knows my good and bad sides and I know about hers also. So it’s a good thing,” dagdag ng binata. May ilang mga tumututol sa relasyon ng magkasintahan pero hindi na lamang daw ito pinapansin ng aktor. “To those who don’t like me being with Kaye, wala naman silang magagawa eh. Hindi naman sila ‘yung girlfriend ko. I don’t know them, so I really don’t care,” giit ni Paul Jake. Hindi pa sumasagi sa isip ng binata na pakasalan si Kaye dahil marami pa siyang bagay na gustong gawin. “I mean settling down, that’s the big picture. I guess now parang for me, ang dami ko pang ambitions but it would be nice to settle down if you have everything na, all the businesses, I want a house by myself, a lot of things,” paliwanag ng aktor. Matatandaang si Melissa Ricks ang huling nakarelasyon ni Paul Jake habang si Guji Lorenzana naman ang huling naging kasintahan ni Kaye.

Maja gusto munang mamahinga sa pagko-kontrabida

Napansin at hinangaan si Maja Salvador sa pagiging magaling na kontrabida sa teleseryeng The Legal Wife. Ngayong kumpirmado nang gagawin ni Angel Locsin ang pelikulang Darna na ipalalabas sa susunod na taon, ay may bulung-bulungan na si Maja raw muli ang dapat na gumanap na kontrabida rito. “Parang ang hirap sagutin. Pero ang ano kasi, parang ang hirap sundan ng The Legal Wife. Tumatak kami as Monica and Nicole, so parang gusto ko munang ipatatak ‘yun sa mga tao,” pahayag ni Maja. Para sa aktres ay mukhang ayaw na niya munang gumanap bilang kontrabida. “Parang hanggang kay Nicole muna ako. Ayaw ko namang magsunud-sunod na puro kontrabida ang ginagawa ko,” giit ni Maja. Samantala, abala ngayon ang dalaga para sa kanyang nalalapit na concert na may titulong Maj: The Legal Performer.

Gaganapin ito sa Music Museum sa July 12. “Sana po suportahan n’yo ako at gustong-gusto ko na pong i-share sa inyo ang happiness ko sa pag-perform,” paanyaya ng dalaga. -Reports from JAMES C. CANTOS                                  

 

 

ANGEL LOCSIN

GUJI LORENZANA

KAYE ABAD

LEGAL PERFORMER

LEGAL WIFE

MAJA

MAJA SALVADOR

PAUL JAKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with