^

PSN Showbiz

Heart nadismaya nang hindi mag-propose si Sen. Chiz sa Paris?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ayaw pala talaga panoorin ng non-showbiz boyfriend ni Jackie Rice ang pelikula niyang Kamkam na magsu-showing na sa July 9.

Magkakaroon ito ng premiere night sa Cinema 4 ng SM D Block sa Linggo at inimbita ito ni Jackie na samahan siya. Pero tumanggi itong boyfriend at sinabi raw sa young actress na hindi niya ito panonoorin.

Natawa na lang si Jackie, dahil gusto raw sana niyang mapanood ng boyfriend niya ang mga sex scenes na ginawa niya, dahil hindi naman daw bastos ang pagka-execute.

PAK: Matagal na ang relasyon ni morenong character actor sa isang mayamang bading, pero wala na nga sila ngayon.

Kung kailang wala na sila, saka lang nalaman ni mayamang bading na na-meet na pala niya ang asawa ni character actor nang wala siyang kamalay-malay.

Sobrang supportive kasi si mayamang bading sa pamilya ni character actor na pati ang mga anak nito ay close sa kanya.

Sabi kasi ni character actor, hiwalay na siya sa asawa niya, at minsan ay dinadala nito ang mga anak niya na may kasamang yaya. Walang kamalay-malay si mayamang bading na ang yayang kasa-kasama ng mga anak ni character actor ay asawa na nito. Hindi lang yata narinig ni mayamang bading na “mommy” ang tawag ng mga bata sa ipinakilalang yaya.

Natawa na lang si mayamang bading nang nalaman niya ito. Matagal na kasi siyang nakapag-move on kay character actor.

BOOM: Magsasalita si Heart Evangelista sa Startalk mamayang hapon tungkol sa nararamdaman niya sa pagkakaroon ng sakit na cancer ni Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Sobrang close si Heart kay Sen. Miriam at ang pagkakaalam namin, nagkaroon sila ng konting tampuhan kaya wala silang komunikasyon ng matagal-tagal.

Nagkaayos sila kamakailan lang at saka naman nalamang may cancer of the lungs ang senadora.

Isa si Heart sa nagulat at nasaktan sa balitang iyun.

Ang isa pang ikukuwento ni Heart ay ang nakaraang bakasyon nila ni Sen. Chiz Escudero sa Europe.

Wala kasing balitang nag-propose doon si Sen. Chiz. Naunsyami kaya si Heart, dahil type na type pa naman niyang sa Paris siya maka-experience ng proposal.

vuukle comment

CHIZ ESCUDERO

D BLOCK

HEART EVANGELISTA

JACKIE RICE

MATAGAL

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

NATAWA

NIYA

SOBRANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with