^

PSN Showbiz

Yilmaz Bektas tuloy ang pagmamanman kay Ruffa!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa nakakausap ni Ruffa Gutierrez ang kanyang ex-husband na si Yilmaz Bektas.

Wala si Ruffa at ang dalawang anak nito sa kanilang bahay nang tumawag sa telepono si Yilmaz.

Si Richard Gutierrez ang nakasagot sa phone call ni Yilmaz at sila ang nagkausap ng kanyang ex-brother in law.

Hanggang ngayon, hindi pa alam ni Ruffa ang mga napag-usapan nina Richard at Yilmaz as in parang hindi na siya interesado na malaman ang mga kaganapan sa buhay ng kanyang ex-dyowa.

Hindi natin masisisi si Ruffa dahil wala siyang natatanggap na suporta, financial, moral at emotional, mula sa kanyang ex-husband.

Walang idea si Ruffa kung alam ni Yilmaz na may reality show sila ng kanyang pamilya sa E! Knowing Yilmaz, updated siya sa mga nangyayari sa kanyang mag-iina. Mahilig si Yilmaz na magkalkal sa computer  at mag-research tungkol kay Ruffa. Imposible na hindi niya alam ang tungkol sa It Takes Gutz to be a Gutierrez.

Stalker  nga ang tawag ni Ruffa kay Yilmaz dahil hobby at habit na nito na i-stalk at alamin ang mga kaganapan sa buhay ng kanyang ex-wife.

 Gustung-gusto ni Yilmaz na makita ang dalawang anak nila ni Ruffa pero siya ang dapat na gumawa ng paraan. Alangan naman na siya pa ang sadyain sa Turkey ng kanyang mga anak. Baka sakaling pumayag si Ruffa na pumunta sa Turkey kung kasama niya ang crew ng E! para makatiyak siya na safe ang pagdalaw nila ng kanyang mga anak.

Raymond ibinukong inihahanda na ni Sarah ang wedding dress

Natawa si Richard sa sagot ni Raymond nang tanungin ito ng press tungkol sa mga bagong pasabog sa season 2 ng It Takes Gutz to be a Gutierrez.

Nagbiro si Raymond na baka inihahanda na ni Sarah Lahbati ang wedding gown nito.

Tumawa lang si Richard sa pabiro na sagot ng kanyang kakambal. Hindi pa nila napag-uusapan ni Sarah ang pagpapakasal dahil inuuna nila ang paghahanda sa kinabukasan ni Baby Zion na nagsisimula pa lang na matuto sa pagsasalita pero nakaplano na ang school na papasukan niya. Ganyan ka-responsible father si Richard.

Congrats Linggit Tan Marasigan…

Congratulations sa ABS-CBN executive na si Linggit Tan-Marasigan dahil ngayong umaga ang Christian wedding nila ng kanyang mister na si Rommel Marasigan.

Kabilang ako sa mga ninang sa kasal nina Linggit at Rommel kaya madaling-araw pa lang, pupunta na ako sa parlor para magpaayos.

Mga principal sponsor din sa Christian wedding nina Linggit at Rommel ang mga ABS-CBN big boss na sina Gabby Lopez at Charo Santos-Concio.

Kinagabihan pa ang wedding reception ng bagong kasal sa kanilang beach house sa Lobo, Batangas. Minsan ko nang napuntahan ang beach house ni Linggit na nakaka-relax dahil sa spectacular view. Kalapit ng beach house ni Linggit ang mga beach house nina Amy Austria, Gabby Concepcion at ng mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Supporters ni Nora ayaw paawat

Magkasundo na nga ang estranged couple na sina Claudine Barretto at Raymart Santiago at isa ito sa mga isyu na tatalakayin namin ngayong hapon sa Startalk.

Siyempre, nasa line up din ng Startalk ang mga kontrobersya na kinasasangkutan nina Nora Aunor at Batangas Governor Vilma Santos.

Ayaw paawat ng mga supporter ni Nora na nangangalap ng isang milyong pirma para mai­deklara na People’s National Artist ang aktres na pinagkaitan ni P-Noy ng National Artist award.

Lalong nadagdagan ang mga humahanga kay Mama Vi dahil hindi ito nagpaapekto sa kanyang mga basher. Dapat tularan si Mama Vi ng mga artista na mabilis mapikon. Imbes na maimbyerna, buong pagpapakumbaba na sinabi ni Mama Vi na marami pa siya na dapat matutunan.

IT TAKES GUTZ

KANYANG

LINGGIT

MAMA VI

NATIONAL ARTIST

RAYMOND

RUFFA

YILMAZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with