^

PSN Showbiz

Kahit bina-bash, Be Careful… wala pa sa planong mag-babu

SVA - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi pa magbababu sa ere ang Be Careful With My Heart kahit halos magdadalawang taon na ito at bina-bash ng ilan na nakakaumay na ang programa at pinahahaba lang nang pinahahaba.

Ayon sa mga nasa likod ng serye, mas maraming nag-e-enjoy sa nangyayari sa buhay nina Maya at Ser Chief kaya wala pa sa bokabularyo nilang tapusin na ang kiligserye na pinagbibidahan nina Richard Yap and Jodi Sta. Maria.

May anak na nga sina Maya at Ser Chief sa kuwento kaya malayo na talaga ang narating nila.

Ang lakas kasing maka-goodvibes ng programa dahil nga sa naging kapalaran ni Maya na napangasawa ang  dating amo. Pang-Lovers in Paris ang level ng kilig. Mas lumalim lang nga ang kuwento ng Be Careful dahil nagkaanak na sila. By the way, napapanood na nga pala uli ang Lo­vers In Paris sa morning slot sa ABS-CBN at in fairness, nakakakilig pa rin.

Going back to Be Careful… dahil nga sa pagtangkilik sa kanilang programa, magkakaroon sila ng thanksgiving concert sa Araneta Coliseum sa Hulyo 25.

Kasama ang buong cast sa engandeng concert bilang celebration sa kanilang second anniversary.

COMM Execs ng ABS-CBN, inihalal na mga bagong pangulo ng PRSP at IABC PH

Nangingibabaw ang communications at public relations ng ABS-CBN matapos nitong makuha ang pinakamatataas na puwesto sa dalawa sa mga pinakarespetado at prestihiyosong samahan ng PR professionals sa bansa.

Itinalaga ang ABS-CBN communications consultant at spokesperson na si Ramon “Bong” Osorio bilang ang bagong pangulo ng Public Relations Society of the Philippines (PRSP), habang inihalal namang pangulo ang corporate communications officer-in-charge na si Kane Errol Choa ng International Association of Business Communicators (IABC) Philippines.

Si Osorio ay isang batikang media, advertising, at PR practitioner at marketing communications educator. Bago siya pumasok sa ABS-CBN noong 2007 at nag-retire bilang corporate communications head nito noong nakaraang taon, nagsilbi siyang pangulo ng Campaigns Advocacy and PR, Inc (CAPRI) ng Campaigns and Grey sa loob ng 18 taon.

Samantala, sa induction ceremony ng IABC Philippines na tampok si Sen. Grace Poe bilang guest of honor, inanunsyo ni Choa ang mga nakapilang proyekto ng IABC Philippines, kabilang na ang Communication Excellence in Organization o CEO Excel Awards, Philippine Quill Awards, Philippine Student Quill Awards, ang IABC Philippines Comm Chat learning series, ang paglulunsad ng unang electronic book na naglalaman ng pinakamahuhusay na communication prog­rams, at isang regional communications conference.

Ang IABC Philippines ang unang IABC chapter na itinatag sa labas ng Estados Unidos noong 1983.  Itinataguyod nito ang husay sa business communication sa pamamagitan ng masterclasses at awards programs gaya ng Philippine Quill Awards, Philippine Student Quill Awards, at CEO Excel Awards.  Isinusulong naman ng PRSP ang kasanayan at kaalaman ng PR practitioners sa pamamagitan edukasyon at siyang nasa likod ng taunang PR Congress at Anvil Awards.

ANVIL AWARDS

ARANETA COLISEUM

AWARDS

BE CAREFUL

EXCEL AWARDS

PHILIPPINE QUILL AWARDS

PHILIPPINE STUDENT QUILL AWARDS

SER CHIEF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with