'Vilmanian ako!' – Kris
MANILA, Philippines – Muling humingi ng paumanhin si Kris Aquino sa pangba-bash ng publiko sa maling grammar at spelling ni Batangas Gov. Vilma Santos.
Inulan ng batikos si Ate V matapos i-post ni Kris sa Instagram ang liham sa kanya ng “star for all seasons” kasama ang regalong ensaymada.
Iginiit ng “Queen of All Media” na hindi niya nais pahiyain si Ate V bagkus ay nais lamang niyang ihayag ang kanyang pagkatuwa sa kabaitan ng batikang aktres.
“It did not bother me. Ako po 'yong recipient ng card. Kung ako, noong binabasa ko, hindi ko tsinek [check], hindi ako nagpaka-English teacher doon sa card na 'yon... What touched me was the honesty, the sincerity, the genuine kindness that she showed me,” wika ni Kris sa episode kagabi ng kanyang late night show na “Aquino and Abunda Tonight.”
“My good intentions of showing my appreciation to her can be taken the wrong way,” dagdag niya.
Dinepensahan din niya ang sarili sa mga nagsasabing sinadya niyang pahiyain si Ate V.
“Ako, I take offense doon sa nagsasabi na I meant her harm by posting that. I didn't. You know I'm a fan, you know I'm a Vilmanian.”
Sa huli ay paghingi pa rin ng paumanhin ang ipinaboot ni Kris.
“I love you, Ate Vi. I apologize, Ate Vi, doon sa stress na binigay nito sa'yo, pero sinabi ko nga, You're too blessed to be stressed.”
- Latest