^

PSN Showbiz

Istorya ng taong may dalawang kasarian nadiskubre ng Magpakailanman

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang tao, kapag ipinanganak, natutukoy na ang kasarian: babae o lalaki.

Sa kanyang paglaki, saka naman ito nagkakaroon ng sariling isip, sariling desisyon: Straight, Lesbian, Gay, Transgender. Subalit paano kung ang isang tao ay hindi nabigyan ng choice? Paano kung ang isang tao ay nabigyan ng kasariang…hindi tiyak?

Ito ang kuwento ni Jonalyn Bulado.

Ipinanganak si Jonalyn na may reproductive organs ng lalake at babae, at sa kanyang mga unang taon sa mundo ay hindi matukoy ng mga doctor at ng kanyang magulang kung ano talaga ang kasarian niya. Confusion na naipasa rin nila kay Jonalyn, na siyang bininyagang Jonathan, habang lumalaki.

Nang umabot sa teen years si Jonalyn, nang mag-develop na ang katawan nito at nagkaroon ng menstruation, nag-decide na ang doctor at ang kanyang mga guro na ituring siyang babae. Ngunit paano naman ang kanyang mga kaklase? Mga kaibigan?

Paano ang kanyang ama na for the longest time ay ikinahiya ang anak niyang binabae?

Hindi naging madali ang buhay para kay Jonalyn, pero hindi rin niya hina­yaan na matalo siya ng challenges na ibinato sa kanya ng kapalaran.

Itinatampok si Lauren Young sa kanyang natatanging pagganap bilang Jonalyn Bulado. Kasama rin sina Caridad Sanchez, Rommel Padilla, at Tina Paner.

Mula sa direksyon ni Neal del Rosario, sa panulat ni Venj Pellena at sa pananaliksik ni Angel Lauño, alamin ang hirap at tagumpay ng isang taong may dalawang kasarian ngayong Sabado sa Magpakailanman pagkatapos ng Marian sa GMA7.

 

ANGEL LAU

CARIDAD SANCHEZ

JONALYN

JONALYN BULADO

KANYANG

LAUREN YOUNG

PAANO

ROMMEL PADILLA

TINA PANER

VENJ PELLENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with