Matt Evans malaki ang ipinagbago nang magkaasawa
Mid this month of July ay nakatakdang magsilang ng kanilang first born ang misis ng young actor na si Matt Evans na si Katrina Fariñas. Baby girl ang magiging first baby nila na may nakahanda nang pangalan, Hayley Marley Evans.
Si Matt ay may isa ring anak na babae sa dating karelasyon, si Johneline Hickins, anak ng 80’s sexy star na si Coca Nicolas. Pinakasalan naman ni Matt ang kanyang misis na si Katrina last October 3, 2013.
Inamin ng aktor na malaki na umano ang kanyang ipinagbago magmula nang siya’y mag-asawa. Hindi na umano siya gaanong gumigimik ngayon tulad noong binata pa siya laluna ngayong magda-dalawa na ang kanyang anak.
Samantala, hindi nagtuluy-tuloy ang pagiging lead actor ni Matt dahil pawang supporting roles na lamang ang ipinagkakatiwala sa kanya ng ABS-CBN. Hindi naman ito issue kay Matt na masaya na hindi siya nawawalan ng trabaho at pinakabago itong Pure Love na tinatampukan nina Alex Gonzaga, Joseph Marco at Arjo Atayde.
Still on Matt, hindi na pala nito nakita at nakilala ang kanyang American father na si Thelmage Eugene Evans na nagsisilbi noon sa U.S. Air Force.
Napag-alaman na lamang niya sa isang kamag-anak na sumakabilang-buhay ito noong June 10, 2010 sa atake sa puso. Ipinagbubuntis pa lamang noon si Matt ng kanyang ina nang sila’y iwanan ng kanyang Amerikanong ama.
Si Matt ay produkto ng Pinoy Big Brother.
Diether patuloy ang pananahimik
Bakit kaya tahimik ngayon ang career ni Diether Ocampo? Noong isang taon pa nagtapos ang seryeng Apoy sa Dagat na pinagsamahan nila nina Piolo Pascual at Angelica Panganiban. Since then ay wala pa siyang follow-up project sa kanyang home studio, ang ABS-CBN?
Ano kaya ang bagong pinagkakaabalahan ngayon ni Diet na kapanabayan nina Piolo at Jericho Rosales?
Bago nag-asawa si Jericho (kay Kim Jones), pare-pareho sila nina Piolo at Diet na mga binatang-ama. Lahat sila ay may tig-isang anak na lalaki – si Iñigo kay Piolo, si Santino kay Jericho at si Dream kay Diet.
- Latest