^

PSN Showbiz

AiAi nakikipag-date na naman sa mas bata, mga anak hindi na kontra

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Pagkatapos ng dalawang taon ay ngayon lamang muli gagawa ng pelikula si AiAi delas Alas. Kasama ang aktres sa bagong pelikula nina Kim Chiu at Xian Lim na may working title na Past Tense. “Excited ako kasi siguro naman nakikita n’yo everyday iyak ako nang iyak sa telebisyon. Finally nakakatuwa, modesty aside tinatawag nila akong Comedy Queen pero iyak ako nang iyak. Sabi ko, ako lang yata ang Comedy Queen na iyak nang iyak. This is home, parang wow, may comedy film na ulit ako. Excited na excited ako,” nakangiting pahayag ni AiAi.

Samantala, isang lalaki raw na mas bata sa kanya ang nagpapatibok sa puso ngayon ng aktres. “Hindi naman nagpapatibok pero lagi ko namang sinasabi na open pa naman ako sa dating. Parati namang mas bata ‘yung nali-link sa akin. Kasi first, ‘yun ‘yung binata. Kasi kapag kaedad ko na, may mga asawa na ‘yun or hiwalay, ganyan. Parati namang mas bata. Baka nando’n sa getting to know each other na muna,” pagbabahagi ng Comedy Queen. Wala raw problema sa mga anak ni AiAi kung muli siyang magkaroon ng bagong karelasyon. “Ang rule ko naman kahit hindi ito nangyari sa amin, sa buhay ko noon-noon pa, ‘Kung saan ka masaya Mama, kasi time mo naman ngayon. Tapos na ‘yung time mo sa amin, malalaki na kami. Napag-aral mo na kami. Napalaki mo na kami nang maayos kaya sarili mo naman. Basta ‘yun lang ang rule, basta masaya ka Mama kapag hindi na, bye-bye na,” paliwang ng aktres.

Sa buhos na suporta Nora National Artist na ang pakiramdam

Aminado si Nora Aunor na nasaktan siya dahil sa hindi niya pagkakasama sa listahan ng mga bagong hinirang bilang National Artist ngayong taon. “Gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng mga taong sumuporta at patuloy na sumusuporta sa akin sa panahong ito na usapin ang tungkol sa Natonal Artist Awards.  Inaamin ko pong nasaktan ako sa mga nangyari,” pahayag ni Nora. “Maski walang tropeo o karangalang igawad sa akin ang mga nasa kapangyarihan, iniluklok naman ako ng mga kababayan ko habang buhay sa kanilang mga puso bilang isang artista ng bayan,” giit ng Superstar.

Samantala, nagbigay naman si Robin Padilla ng kanyang opinyon tungkol dito sa pamamagitan ng kanyang Instagram account. “Let us learn how to give glory to those who earned it, when they are still strong and alive. Politics and propaganda has no place in Arts and Culture. Let the peaceful revolution of the great Nora Aunor continue, her life spells Hope, her art spells Alive, her culture spells Filipino and her name spells HEROINE,” makahulugang mensahe ni Binoe. Reports from JAMES C. CANTOS

AKO

ARTS AND CULTURE

COMEDY QUEEN

KASI

KIM CHIU

NAMAN

NATIONAL ARTIST

NORA AUNOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with