P-Noy kinorek ng abogado ng Superstar: ‘Hindi nakulong sa droga si Nora’
MANILA, Philippines - Mabilis na nag-react ang lawyer na si Atty. Claire Navarro Espina sa sinabi ni Pangulong Noynoy Aquino na kaya hindi naging national artist si Nora Aunor ay dahil nakulong (convicted) ito sa droga. Si Atty. Espina ang lawyer ni Nora sa kaso nito sa Amerika nang mahulihan ito ng Drug Paraphernalia.
Ang sabi ng abogado sa kanyang Facebook account: “NO DRUG CONVICTION - ONCE AGAIN: Nora Aunor was never convicted of a crime, let alone a crime involving drugs here in Los Angeles. I should know - I was the attorney who represented her. Two reporter friends have already pm’d me this issue - again today. Apparently there is misinformation over in the Philippines on this issue.
Now let me go back to the issue of the boy who was killed as a result of fraternity hazing...,” sabi ni Atty. Espina sa kanyang Facebook account.
Sino kayang nagkamali sa pag-feed kay P-Noy na nakulong si Ate Guy. Hindi naman pala.
“Ang naging problema ko lang doon, alam naman natin lahat na iginagalang ko si Bb. Nora Aunor, na-convict po siya sa drugs. Na-convict at naparusahan at ang tanong ngayon dito, pag ginawa ba nating National Artist may mensahe ba akong maliwanag na sinasabi sa sambayanan?” sabi ni Pangulong Aquino kahapon sa isang press briefing na ikinaalsa ng Noranians.
Jessica nag-retiro na
Nag-retiro na bilang executive ng GMA 7 si Ms. Jessica Soho.
Kahapon ay naglabas ng statement ang GMA tungkol sa pagbitiw nito sa kanyang responsibilities sa News and Current Affairs ng network. Pero mananatili itong host ng kanyang tatlong programa - Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) (GMA), BRIGADA at State of the Nation (SONA), na parehong napapanood sa GMA News TV.
Matagal din pinamunuan ni Ms. Jessica ang news department ng GMA at nagbigay sa kanila ng maraming award. Sa ilalim din ng pamumuno niya lumakas ang news programs ng network.
“I am most proud of the fact that under my watch, the credibility of GMA News became even stronger. Filipinos watch us because they know we can be trusted to deliver accurate, objective and balanced reporting because we have no political agenda or biases and we have consistently proven that through administrations, past and present,” sabi ni Ms. Jessica sa statement na 30 years naging loyal na empleyado at kauna-unahang Vice President for News Programs ng Kapuso Network.
“I am a Kapuso through the core of my being. I have worked with only one (1) network throughout my entire career because I truly believe in the network’s independence and professionalism,” pahayag niya.
Nagsimula siya sa pagiging News Reporter hanggang 1988, Production News Manager (2000), Acting News Director (2002), Vice President for News (2004), Vice President for News Programs (2008) up to her last promotion last year (2013) as First VP for News Programs.
Kasama sa nakolektang award ng mga programa ni Jessica - KMJS and SONA - ang fourth George Foster Peabody Award para sa coverage of Typhoon Yolanda (Haiyan).
SONA also recently won Silver Medal in the US International Film and TV Festival (USIFV) also for its coverage of Typhoon Yolanda.
BRIGADA was given the Gold Medal and for the first time for the network and the Philippines, One World Medal.
Jessica was also recently named Most Trusted News Presenter, for the fourth consecutive year, by Reader’s Digest.
“I can never thank the network enough for everything it has given me and my family. I especially thank all my mentors- my bosses and cameramen in our old newsroom as well as my colleagues now- fellow managers, producers, reporters, talents and crews for the opportunity to lead them,” Jessica said.
Sandara nanood ng perfect 10 ni Sarah sa Singapore
Nanood pala si Sandara Park ng Perfect 10 concert ni Sarah Geronimo sa Singapore last weekend.
At nag-post pa ang orig na Krungkrung na ngayon ay sikat na sikat ang grupong kinabibilangan niya, ang 2NE1, ng picture niya with Sarah. “Krungkrung with our teacher Georcelle and one and only!!! Sarah Geronimo!!! naalala ko nung bata pa kami,” caption ni Dara sa kanyang photo na inilagay sa Instagram account niya.
Nagkataon daw may concert ang 2NE1 sa Singapore kaya nanood pa ito.
Sa isang photo naman, inilagay niya ang caption na ang galing daw ni Sarah. “Ayan na!!!!!!! Pop princess Sarah Geronimo!!! Ang galing!!! Love u sarah and i missed u so much!!!”
At least kahit sikat na sikat na si Sandara, hindi pa rin siya nagkakaroon ng yabang. Malamang kung naiba-iba lang ‘yun, malamang na hindi mag-e-effort na manood ng concert ni Sarah.
Binigyan na nga ng ensaymada, Kris ‘Ipinahamak’ si Vilma
Grabe naman, naisip mo ngang padalhan ng ensaymada, nalait ka pa sa social media.
Ganyan ang naging kapalaran ni Governor Vilma Santos matapos niyang padalhan ng ensaymada si Kris Aquino with matching hand written cheer up note.
May typo error and minor grammatical error ang nasabing note ni Ate Vi kay Kris na ipinost niya sa kanyang Instagram account na siyempre ay ikina-react ng followers ni Kris. Merong nega at meron din namang positive at naiintindihan na hindi rin naman perpekto ang gobernor ng Batangas para hindi magkamali.
Pero ang ikinaiirita ng ibang fans ni Ate Vi ay ang pagpo-post pa ni Kris na I’m sure daw ay alam naman ni Kris from the start na may error ang nasabing note. Sana raw ay hindi na lang niya pinost kung talagang may respeto siya kay Ate Vi.
Pero ang katuwiran naman ni Kris ay hindi na niya naisip ang error: “I’m sorry, Ate Vi. I didn’t think about the wrong spelling because what mattered to me was your kindness & the thought behind the card.”
Wala naman sa tono ng mga text message niya kay Kris ang pagkainis ni Gov. Vi kahit na nga ‘napahamak’ pa siya sa ginawa ng presidential sister.
- Latest