Richard magiging Kapatid na?!
MANILA, Philippines - All’s well that ends well sa pagitan nina Wilma Galvante at Mama Annabelle Rama. Bati na sila finally at dahil dito, mapapanood na ang reality show ng kanilang pamilya sa TV5 simula sa July 5, pagkatapos ng PBA games. Baka sumunod na rito ang paglipat ni Richard Gutierrez sa network.
Kylie may bagong pinagkakaabalahan
Pagkanta rin ang pagtutuunan ng pansin ni Kylie Padilla habang wala pa siyang programa. Labas na ang album niyang Seasons at magiging busy siya sa promosyon nito. Buti naman, para hindi siya magmukmok. But in fairness, ang daling naka-move on ni Kylie. Totoo bang na in love pa siya kay Aljur Abrenica?
Julia no time for boys
Kung hindi lamang marahil magka-partner sila sa Mirabella ay baka nagka-inlaban na sina Enrique Gil at Julia Barretto sa isa’t isa. They are the best of friends now, I heard. Bagay sila, although kung hindi pa sila handa, I will understand. Buti naman at sa edad niya ay hindi binibigyan ni Julia ng pansin ang mga boys. Good for her, wise decision. Pangatawanan sana niya nang matagal.
- Latest