^

PSN Showbiz

Paso na ang kontrata sa TV5 Aga babalik sa pinagmulan

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Tapos na umano ang kontrata ni Aga Muhlach sa TV5 kaya ma­la­mang na ito’y bumalik ng ABS-CBN na siya niyang original home studio. 

In fairness to Aga, wala na siyang kontrata sa Kapamilya Network nang tanggapin nito ang alok ng TV5. Just the same bilang respeto sa kanyang (dating) home studio, nagpaalam pa rin si Aga sa mga boss  ng Kapamilya Network kaya wala itong tulay na sinunog. Puwede siyang bumalik.

May balita kami na may gagawin umanong pelikula si Aga sa bakuran ng Star Cinema, ang film company ng ABS-CBN.

Samantala, si Ogie Alcasid na ang host ng game show na Let’s Ask Pilipinas, ang game show na iniwan ni Aga sa Kapatid Network.

Edu sumama na sa mga ‘gulo’ na pinapasok nina Tintin at Gelli

Hindi nawala ang misis ni Julius Babao na si Tintin Bersola-Babao sa Face the People na pi­nag­sasamahan nila ni Gelli Belen bilang hosts ng programa. Nag-reformat lamang ang programa at idinagdag ang batikang host na si Edu Manzano.

Tiyak na magiging buhay lalo ang talakan at tala­kayan ng Face the People dahil sa presence ni Edu na hindi na puwedeng tawaran ang pagiging mahusay na TV host.

Paulo itutuloy na ang panliligaw kay KC?

Now that KC Concepcion is back, ipagpatuloy pa rin kaya ni Paulo Avelino ang kanyang panunuyo sa panganay ng Megastar na si Sharon Cuneta?

Walang direktang pag-amin si Paulo na tulu­yan na siyang bumitaw sa kanyang panliligaw kay KC, laluna nung ito’y nag-aaral pa sa New York, USA na kanya pang dinalaw doon.

Speaking of KC, papasok siya sa tumatakbong teleseryeng Ikaw Lamang na tinatampukan nina Kim Chiu, Coco Martin, at Julia Montes. Bukod kay KC, makakasama rin ng serye si Luis Manzano.

Pero hindi na puwedeng bumalik

Kring-Kring nami-miss ang showbiz

Siyam na taon na ang Patio Victoria, isang en­grandeng restaurant at events place na ma­tatagpuan sa panulukan ng Gene­ral Luna at Victoria Streets sa Intramuros, Manila na pag-aari ng singer-actress-turned businesswoman at politician na si Cristina “Kring-Kring” Gonzales-Romualdez.

Ang Patio Victoria ay paboritong venue para weddings, birthdays and debuts, graduations, baptismal par­ties at mga corporate functions magmula nang ito’y itatag in 2001. Ang Sofia at Diana Gardens (named after Mayor Alfred Romualdez and Kring-Kring’s daughters na sina Sofia at Diana) ay may sitting capacity na 700 habang ang air conditioned indoor Sofia Banquet Hall ay may sitting capacity na 150 guests.

Kahit naka-base sa Tacloban City si Kring-Kring and her family, lumuluwas siya ng Maynila tuwing weekend to check the operation of Patio Victoria na may branch na rin sa Tacloban na sinira ng bagyong Yolanda.

Aminado si Kring-Kring na nami-miss niya ang showbiz pero may sinumpaan siyang tungkulin na kailangan niyang tuparin bilang third-termer city councilor ng Tacloban at bilang first lady ng alkalde ng siyudad na si Mayor Alfred Romualdez bukod pa siyempre sa pagpapatakbo ng kanilang mga negos­yo at pagiging ina ng kanilang dalawang anak.

 

AGA MUHLACH

ANG PATIO VICTORIA

ANG SOFIA

FACE THE PEOPLE

KAPAMILYA NETWORK

KRING

KRING-KRING

PATIO VICTORIA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with