Celeb mahilig magpa-interview tamad namang magbasa
Naglabasan na ang interview sa isang celebrity at sana nabasa niya o sinabi ng kanyang manager o handler ang tungkol dito para hindi na siya magtataklesang mag-dialogue ng “Sana mabasa ko ‘yan” pagkatapos siyang interbyuhin.
Mabuti at hindi na-offend ang mga reporter sa celebrity, tinawanan lang siya at hinayaang magtaklesa. Bukod sa manager, may handler at may mga tao sa paligid niya ang celebrity na siguro naman nagbabasa at malalamang nasusulat siya.
Alangan namang ang mga reporter pa ang tumawag sa kanya para ipaalam na lumabas na ang interview sa kanya. Tamad bang magbasa ng diyaryo ang celebrity?
Kuh feel makipag-relasyon sa mas bata
Itinanggi ni Kuh Ledesma sa biro ng press na parang si Dra. Vicki Belo ang peg niya sa role ni Dra. Selena Andrada, cosmetic surgeon na ma-i-involve sa younger man sa My Destiny. Wala raw siyang peg sa ginagampanang role, sarili niyang atake at wish nitong magampanan niya ng mabuti ang karakter na ibinigay sa kanya.
Pero gaya sa karakter niya sa soap, posible rin siyang magkagusto sa younger guy, basta matalino kaysa sa kanya at hindi 20 years younger sa kanya. Hindi ipinakita sa teaser, pero ang karakter ni Ervic Vijandre ang in-love sa karakter niya.
Kahit napupuyat, nag-i-enjoy umarte sa teleserye si Kuh dahil para sa kanya, ibang venue ito for expression. Ang request lang nito sa kumukuha sa kanya, ‘wag gawing super kontrabida ang role niya dahil baka hindi na siya pakinggan at baka hindi na maniwala ‘pag kumakanta siya.
Mapapanood na ang My Destiny simula bukas, pagkatapos ng Niño.
Hiro inuna ang negosyong emission testing
Bago na naman ang ka-love team ni Hiro Magalona sa My BFF, si Mariel Pamintuan ang susubukang ipareha sa kanya. Wish nitong mag-klik ang tambalan nilang dalawa para hindi mapalitan at nang hindi siya nagugulat.
Walang reklamo sa role si Hiro at kahit nag-lead na sa Anna Karenina, balik siya sa pagiging supporting sa My BFF. Katuwiran nito, basta may trabaho at maganda ang role, okey na sa kanya.
Ilang buwang wala sa eksena si Hiro dahil inasikaso ang negosyo nilang Emission Testing Centers. Siya muna ang nag-manage sa six ETC nila sa Cagayan de Oro, Manila at iba pang parte ng bansa dahil siya ang nasa right age na mag-manage. Namatay kasi ang kuya niya nang may maghulog dito sa isang building at hanggang ngayon, hindi nahuli ang nasa likod ng krimen.
Nalulungkot na hindi nabigyan ng hustisya ang kapatid, pero umaasa pa rin si Hiro at ang kanyang pamilya na mananagot ang pumatay sa kapatid.
- Latest