^

PSN Showbiz

Kris 'di pa nakaka-move on, naghihintay ng sorry

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inamin ni Queen of All Media Kris Aquino na may kirot pa sa kanyang puso, ngunit hindi sinabi kung sino ang may dahilan nito.

Sa episode kagabi ng “Aquino and Abunda Tonight” sinabi ni Kris na nasaktan siya sa naging sagot ng hindi tinutukoy na tao sa isang panayam.

“Kasi ito, sa totoo lang, merong nagpa-interview tungkol sa akin several weeks back. I won't name names but you know na. And how I wish he had just said no comment,” sabi ni Kris.

Huling na-link kay Kris ay si Quezon City Mayor Herbert Bautista.

“Sana sinabi na, 'No comment kasi nanahimik naman si Kris so mananahimik na rin lang ako.' Sana,” dagdag niya.

Kalaunan ay sinabi ng 43-anyos na aktres na: “I'm sorry. Yeah. They'll say, 'Hindi pa siya nakaka-move on.' Tama po, hindi pa talaga, may galit pa ng konti. May galit pa, e.”

“Pero pwede kasing mag-no comment e,” sabi pa ng TV host.

Sorry

Naglabas din ng sama ng loob si Kris dahil nag-aantay aniya siya ng paumanhin mula sa taong nanakita sa kanyang damdamin.

“No, ito na lang, kasi I've been waiting for a sorry. A personal sorry. Kasi sinasabi ko, hiniya mo naman ako sa buong publiko. Sana naman, kahit na tayong dalawa lang ang magkaharap, sana nag-sorry ka sa akin.”

Nitong Hunyo lamang ay nagpaunlak ng panaym si Bautista sa “Bandila” kung saan sinagot niya ang katanugan kung bakit hindi nag-work ang kanilang relasyon ni Kris.

“Wala na akong magagawa, e.  Hindi na pwede. Hindi na nga pwede,” sagot ni Bautista kay Karen Davila na nagtanong kung gusto pa ng alkalde si Kris.

Ayaw na rin aniyang ligawan pang muli si Kris, kung saan idinahilan niya ang kanyang mga anak.

“Hindi na. Eh 'yung mga anak ko, syempre. I love my children.”

AQUINO AND ABUNDA TONIGHT

BAUTISTA

KAREN DAVILA

KASI

KRIS

NITONG HUNYO

QUEEN OF ALL MEDIA KRIS AQUINO

QUEZON CITY MAYOR HERBERT BAUTISTA

SANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with