^

PSN Showbiz

Kaalaman upang maging handa sa mga sakuna, ibabahagi sa red alert emergency expo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bibigyan ng DZMM ng kapaki-pakinabang na mga kaalaman, tips, at training ang mga tagapakinig at manonood upang maging handa sa panahon ng aksidente at trahedya sa pamamagitan ng  Red Alert Emergency Expo 2014 na gaganapin ngayong Sabado (Hunyo 28), 8:30 AM sa Amana Waterpark sa Bulacan.

Pangungunahan ang nasabing event ng Red Alert  anchors na sina Atom Araullo, Project NOAH exe­cutive director na si Dr. Mahar Lagmay, at ang dating medical services physician ng Philippine Mt. Everest Expedition Team na si Dr. Ted Esguerra. Dadalo rito ang text promo winners ng programa, habang magsisilbi namang araw ng pagtatapos ang nasabing expo para sa  Alert U promo winners ng programang Red Alert ng DZMM. Maaaring lumahok dito ang walk-in participants sa halagang P200.

Upang mas maging handa sa oras ng peligro, tuturuan sila ng lidar mapping ng Project NOAH executive director na si Dr. Mahar, self-defense training ng International Krav Maga Federation Philippines, earthquake drill ni Dr. Ted, emergency first response training, water and flood safety and rescue training, pati na fire safety and fire drill training ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council at Bureau of Fire Protection.

Tutukan ang  Red Alert” tuwing Linggo, 10 AM sa DZMM Radyo Patrol Sais Trenta, DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), o sa online livestreaming sa dzmm.com.ph at ang  Red Alert  tuwing Biyernes, 4 PM, sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

ALERT U

AMANA WATERPARK

ATOM ARAULLO

BULACAN PROVINCIAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DR. MAHAR

DR. MAHAR LAGMAY

DR. TED

RED ALERT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with