Maybahay na ‘no read, no write,’ naging milyonarya dahil sa lomi
MANILA, Philippines - Kikilalanin ni Karen Davila ang babaeng nagpaÂlaki at bumuhay sa sikat na Lipa City Panciteria ng Batangas, ang “no read, no write†na maybahay na si Natalia To ngayon (Hunyo 25) sa My Puhunan.
Grade 2 lamang ang naabot ni Natalia sa pag-aaral kaya lumaki siyang hindi marunong magbasa at magsulat. Noong siya’y 20 taong gulang, pilit siyang ipinakasal sa isang Chinese immigrant sa Batangas na mahigit kwarenta anyos na.
Taong 1968 nang dumating ang swerte sa buhay ni Natalia. Nagluto ng authentic lomi ang kanyang asawa. Simula noon, masusing pinag-aralan ni Natalia ang recipe, hanggang sa nagpayaman ito sa kanya at naging kilala bilang ang original na lomi recipe sa Batangas.
Sa nasabing episode ng My Puhunan, tutulungan din ni Natalia ang 20 taong gulang na si Christian na nagpapadyak ng pedicab upang buhayin ang kanyang buong pamilya, kabilang na ang kanyang amang may sakit.
Tutukan na ang katuwang ng Pilipino sa pagsisimula at tagumpay, ang My Puhunan, ngayong Miyerkules (Hunyo 25), 4:00 PM sa ABS-CBN.
- Latest