^

PSN Showbiz

Bong adjusted na sa selda, binulaga si Jinggoy nang dumating sa Crame

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa ako nakakadalaw kay Senator Bong Revilla, Jr. sa kulungan niya sa custodial center ng Camp Crame dahil hinahayaan ko muna na mabisita siya ng kanyang immediate family members.

Marami ang mga artista na tumatawag sa akin at nagsasabi na gusto nila na dalawin sa kulungan sina Bong at Senator Jinggoy Estrada pero kailangan pa ito ng permiso ng mga kinauukulan.

 Isang kaibigan na dumalaw kay Bong ang nagsabi sa akin na mabilis na naka-adapt si Bong sa bagong environment nito. Napaka-aliwalas daw ng mukha ni Bong nang magkita sila.

Hindi ako nagulat sa balita na nakarating sa akin dahil matagal nang naihanda ni Bong ang sarili. Nakatulong ang malaki na pananampalataya niya sa Diyos para matanggap ang nangyari sa kanya.

Parang bata raw si Bong nang dumating si Papa Jinggoy sa kulungan nito. Nagtago si Bong at binulaga si Jinggoy nang pumasok ito sa custodial center.

Malaking bagay na magkalapit ang mga kulungan nina Bong at Papa Jinggoy dahil makakausap nila ang isa’t isa.

Uulitin ko nga pala ang report ko kahapon sa PM (Pang Masa), walang katotohanan ang mga balita na nagrereklamo si Bong dahil mainit, maraming ipis at daga sa loob ng kanyang kulungan.

Naikuwento ni Bong sa mga dumadalaw sa kanya na mainit at may mga ipis at daga sa kulungan niya pero hindi siya nagreklamo. Magkaibang-magkaiba ang ibig sabihin ng nagkuwento sa nagreklamo.

Dapat maging maingat ang ibang mga reporter sa paghahatid ng balita. Hindi naman nila nakakausap si Bong. Ibinabase lamang nila sa mga kuwento na naririnig mula sa mga dumadalaw ang kanilang mga report. Wala akong natatandaan na nagsalita ang mga bumisita kay Bong na nagrereklamo ito sa kalagayan niya sa loob ng custodial center.

 At sa mga humuhusga agad kina Bong at Papa Jinggoy, hindi ninyo dapat makalimutan na mga akusado pa lamang sila, hindi pa convicted o sentensyado.

Jennylyn inamin ang mga ipinagawa kay Dra. Belo

Natutuwa si Dra. Vicki Belo kay Jennylyn Mercado dahil inaamin nito sa publiko ang mga procedure sa kanya ng Belo Medical Clinic.

Si Jennylyn ang endorser ng Laser Lipo Arms ng beauty clinic ni Mama Vicki at nagkuwento siya kahapon kung paano niya napanipis ang kanyang mga braso, sa tulong ng Laser Lipo procedure.

Sa totoo lang, well-sculpted ang mga braso ni Jennylyn kaya lalo siyang naging seksi sa paningin ng mga tao.

Ang sabi ni Cristalle Belo, nagmumukhang payat ang mga babae, basta manipis ang kanilang mga braso.

Naniwala ako sa sinabi ni Cristalle dahil sobrang liit ng mga braso nila nina Mama Vicki at Jennylyn nang magsama-sama sila sa photo op.

Number one ang Belo Medical Clinic sa Laser Lipo producer. Ikinuwento ni Cristalle na mahigit sa 15,000 na kababaihan ang nagsadya sa kanilang clinic at sumubok sa Laser Lipo procedure at lahat ay natuwa sa positive na resulta.

Ang sabi naman ni Jennylyn, wala siyang sakit na naramdaman nang ipa-lipo niya ang kanyang mga braso dahil minimally-invasive at smallest cannula ang ginagamit ni Mama Vicki sa paghigop ng taba.

Ipinagmalaki ni Mama Vicki na 24-years nang expert ang kanyang clinic sa Laser Lipo.

“Laser Lipo Arms by Belo, by far, is the only and best option to get the exact sculpting a person wants, whether for the arms, thighs, waist etc. This is something that we do very, very well in our clinic. Guaranteed! And all our doctors are masters of this procedure, they’ve done thousands cases of Laser Lipo. So our patients are sure that they’ll get the best result.”

vuukle comment

BELO

BELO MEDICAL CLINIC

BONG

JENNYLYN

LASER LIPO

LASER LIPO ARMS

LIPO

MAMA VICKI

PAPA JINGGOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with