^

PSN Showbiz

Basta Happy may pa-birthday party for less

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Second day ng birthday celebration ng Basta Every Day Happy host na si Gladys Reyes ngayong Martes (Hunyo 24).

This time, kilalanin naman siya bilang isang kaibigan at katrabaho sa mga mata ng mga taong malalapit sa kanya katulad nina Judy Ann Santos, Lolit Solis, Liezl Martinez, Carmi Martin, MTRCB Chairman Toto Villareal, Senator Grace Poe, at ng dalawang lalaking mahalaga sa buhay niya na sina Bobby Andrews at Wowie De Guzman.  

Ano nga kaya ang nagpalapit kina Gladys at Bobby? At paano nakatulong si Gladys kay Wowie kamakailan lamang sa pagpanaw ng asawa nito?

Alamin din ang nakakaintrigang sorpresa na binuo ng programa sa tulong ng MTRCB na muntik pang hindi matuloy dahil mismo kay Gladys. 

Bukas (Hunyo 25) naman, alamin kung paano makakapag-organize ng kids’ birthday party for less, live sa Basta Every Day Happy.

Gawing memorable ang pagse-celebrate ng ka­a­rawan ng inyong anak sa tulong ng mga ilang tips na ibabahagi ng mga bisitang makaka-bonding natin.

Ano nga ba ang mga dapat tandaan sa pagpa­pla­no ng birthday ng inyong bagets? Paano ka ma­­kakapaghanda ng masasarap na pagkain kahit li­mited ang budget? Anu-ano ang mga mura pero bonggang giveaways na ikakatuwa ng mga bisita? At syempre, may mga tips din kung paano gagawing bongga ang isang simpleng birthday cake para feel na feel mong mag-celebrate.

Ang lahat ng iyan ay ibabahagi namin sa inyo live na live ngayong Miyerkules ng umaga sa Basta Every Day Happy!

 

vuukle comment

ANO

BASTA EVERY DAY HAPPY

BOBBY ANDREWS

CARMI MARTIN

CHAIRMAN TOTO VILLAREAL

GLADYS

GLADYS REYES

HUNYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with