James Wright manghaharana na
MANILA, Philippines - Nakatakdang bihagin ang mga puso ng mga Pilipino ng Kapuso rising singer/recording artist na si James Wright gamit ang kanyang contemporary music style sa release ng kanyang self-titled debut album sa ilalim ng GMA Records.
Ang album ni James na naglalaman ng limang all-OPM songs na isinulat ni Vehnee Saturno ay isang magandang panimula para sa fresh-faced neophyte sa Philippine music industry. Dahil sa poÂlished production at romance-driven compositions ng album na ito, magiging hit ito sa buong bansa.
Ang koleksyon ng mga awitin ni James ay nagpapatingkad sa kanyang magandang tinig. Habang hindi pa niya napagtutuunan ng pansin ang kanyang songwriting skills, naipapakita naman niya ang kanyang galing sa paglalagay ng kanyang karakter sa kanyang mga kanta.
Bago pa man natapos ang reality talent show ng GMA Network na Anak Ko ‘Yan, nagmarka na ang pagsikat ng 18-year-old Filipino-Australian upstart na ito mula sa Hong Kong. Kahit na umabot lamang siya sa Top 5 ng nasabing talent search ay hindi pa rin ito tumigil na tuparin ang kanyang pangarap na maging isang full-fledged recording artist.
Ang kanyang lead single na Sana’y Ikaw ay ginamit pa bilang theme song ng primetime series na Carmela. Ang kanyang heartful delivery sa awiting ito ay talaga namang nagpakita na siya ay isang lalaking umiibig at nagkumbinsi sa mga tao sa kanyang credible potential.
Maliban sa awiting ito, patuloy pang haharanahin ni James ang mga Pilipino sa kanyang mga kantang Ako’y Sa ‘Yo, Babe, Ikaw ‘Yon, at Kung Hindi Ikaw na itinatampok din sa kanyang album.
Ang CD format ng self-titled debut album ni James Wright sa ilalim ng GMA Records ay maaari nang bilhin sa Astroplus, Astro Vision, Odyssey Music and Video, SM Music and Video, at The Landmark record outlets nationwide, habang maaari nang i-download ang digital format nito sa iTunes at Amazon worldwide.
- Latest