^

PSN Showbiz

2-Week special na “Juan experiment ng Juan direction” mapapanood sa TV5

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Simula ngayong Lunes, Hunyo 23, masusubaybayan na ang mas pinalakas na weeknight primetime block ng TV5, kasabay ng pag-ere ng pinakabagong programa nito, ang Juan Experiment ng Juan Direction, 7:30 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes, kung saan tampok ang limang half-Pinoy hunks na bumubuo sa popular na grupong Juan Direction.

Ang mga half-Pi­noy na sina Daniel Marsh, Charlie Sut­cliffe, Michael Mc­Donnell, Brian Wil­son, at Henry Edwards, na nakilala ng mga manonood matapos libutin ng mga ito ang buong bansa at tuluyang mapaibig sa buhay sa Pilipinas, ay siya naman ngayong sasabak sa panibagong pagsubok na may kinalaman sa pag-ibig sa kultura ng mga Pilipino.  

Layunin ng Juan Experiment ng Juan Direction ang subukan ang kakayahan ng limang half-Pinoy hunks na makihalubilo sa mga Pilipina at sa huli ay mapatunayan na ang pagkakaiba ng pinanggalingan at kultura ay hindi hadlang sa pagsimula at pagbuo ng isang magandang na relasyon.

Kasama rin ng Juan Direction sa kakaibang karanasan na ito ang limang dalagang kumakatawan sa mga iba’t-ibang mga katangian ng Pilipina, at sila ring mangunguna na lalo pang mas makilala ng mga manonood ang Juan Direction. Ang mga Pinay na ito ay sina Kapatid star Helga Krapf, Miss Earth 2013 Alma Cabasal, ang tanyag na indie actress na si Althea Vega, ang former noontime dancer na si April “Congratulations” Gustilo, at ang controversial personality na si Kat Ordoñez.

Huwag palampasin ang mga kaabang-abang at maiinit na eksena na pangungunahan ng Juan Direction hunks sa 2-week special ng TV5, ang Juan Experiment ng Juan Direction, mula Lunes hanggang Biyernes ng 7:30 p.m. bago ang bakbakan sa PBA games, simula ngayong Hunyo 23.

 

ALMA CABASAL

ALTHEA VEGA

BIYERNES

BRIAN WIL

CHARLIE SUT

JUAN

JUAN DIRECTION

JUAN EXPERIMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with