^

PSN Showbiz

Matteo makakahinga na nang maluwag sa ginawang kumpirmasyon ni Sarah

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ang matagal nang pinakahihintay-hintay na pag-amin ng Pop Princess na si Sarah Geronimo tungkol sa estado ng relasyon nila ng actor-triathlete na si Matteo Guidicelli ay kinumpirma na rin niya finally. Yes, boyfriend na nga niya ang Fil-Italian na si Matteo at “mahal” ang kanilang tawagan.

Since umamin na si Sarah sa kanilang relasyon, hindi na mahihirapan pa si Matteo na maging open sa kanilang relasyon.

As early as last March, sa birthday party mismo ni Matteo, marami na ang nagsasabi na may relas­yon ang dalawa dahil halata umano sa kanilang mga kilos. Pero nanatiling tikom ang bibig ng dalawa.

Natuwa ang fans ng Pop Princess dahil finally ay nakatagpo na rin ang kanilang idolo ng taong kanyang mamahalin.  Kung matatandaan pa, itinago ni Sarah sa kanyang mga magulang at sa publiko ang kanyang naging relasyon noon kay Rayver Cruz.  Naudlot naman ang kanilang relasyon ni Gerald An­derson pero ang naging big winner sa puso ni Sarah at ng kanyang parents ay si Matteo na naging matiyaga sa kanyang panliligaw sa dalaga.

Sarah is turning 26 on July 25 at si Matteo naman ay 25 nung nakaraang birthday niya last March 26.

Before Sarah, naging girlfriend ni Matteo si Maja Salvador na girlfriend naman ngayon ni Gerald Anderson na huling na-link sa Pop Princess.  Na-link din kay Matteo si Jessy Mendiola.

Janno ngayon lang nakita ang perpektong project sa kanila ni Mane

Simula June 30 (Lunes) ay mapapanood na ang balik-tambalan ng love team noong dekada otsenta at nobenta nina Manilyn Reynes at Janno Gibbs sa pamamagitan ng family series na MY BFF kung saan tampok ding mga bituin sina Jillian Ward at Mona Louise Rey.

Inamin ni Janno na noon pa man ay may mga offer na sila’y muling pagtambalin pero hindi umano gaanong excited ang project kaya hindi niya tinatanggap.

Hindi ikinakaila ni Janno na nakilala siya nang husto dahil sa love team nila noon ni Mane sa nagsimula sa programang That’s Entertainment ni German ‘Kuya Germs’ Moreno back in the `80s.  Ang love team ng dalawa ang isa sa pinakamainit na love teams nung panahon na ‘yon.

Carla hindi pinapansin ang nagpaparamdam na Kapamilya actor

Sa presscon ng weekly sitcom ng GMA na Ismol Family, sinabi ni Carla Abellana na merong Kapa­mil­ya aktor na nagpaparamdam sa kanya ngayon. Pero wala umano siyang time na ma-entertain ito ganoon din ang ibang nagpaparamdam sa kanya dahil sa kanyang busy schedule. Ayaw pang aminin ni Carla kung sino ang Kapamilya aktor ang nagpapa­ramdam sa kanya na once pa lamang niya na-meet.

vuukle comment

BEFORE SARAH

CARLA

CARLA ABELLANA

GERALD AN

GERALD ANDERSON

ISMOL FAMILY

JANNO

MATTEO

POP PRINCESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with