Matapos mag-usap ng dalawang oras sa korte: Raymart at Claudine parehong lumambot
PIK: Masaya at maintriga ngayong Linggo sa Sunday All Stars dahil magkakaroon ng farewell production number ang main cast ng Kambal Sirena na pangungunahan nina Louise delos Reyes, Aljur Abrenica, at Mike Tan.
Magkakaroon kaya ng iwasan na naman sa studio kapag nandun si Kylie Padilla?
Magpapakitang-gilas naman ang mga Kapuso child wonders na sina Jillian Ward at Mona Louise Rey na bida sa My BFF kasama sina Janno Gibbs at Manilyn Reynes.
PAK: Kahapon ang kaarawan ng adopted daughter nina Raymart Santiago at Claudine Barretto, pero ngaÂyong linggo pa raw magkakaroon ng selebrasyon na inaasahan ni Raymart na madadaluhan niya ito.
Mukhang maganda ang pag-uusap ng mag-asawa sa harap ni Judge Geraldine Fiel-Macaraig nang magharap sila sa hearing ng Custody case sa Branch 192 ng Marikina RTC.
Pareho silang nakangiti nang lumabas sa korte pagkatapos ng halos dalawang oras na pag-uusap sa harap ng huwes.
Sabi ni Raymart, “More than one year ‘tong tumatakbo ang kaso. Ang maganda nito, kahit papano, may liwanag.
“Umpisa pa naman ‘di ba sabi ko wala namang panalo rito sa amin, pareho kaming talo. Dahil, minsan nabuo ang pamilya na nawasak. Pero unti-unti namang may liwanag.â€
Ayaw lang nilang idetalye kung ano ang napag-usapan dahil sa gag order na iniutos ng korte.
BOOM: Ayaw nang patulan ni Annabelle Rama ang patuloy na pagpu-post ng ina ni Sarah Lahbati ng hinanakit niya, pagkatapos inilabas sa publiko si Baby Zion.
Isa sa ipinost ni Mommy Esther na feeling nito naiÂtsapuwera siya; “Lahat ng hirap kami. Tapos ngayon ang claim ng Lola sila ang nag-alaga. Wow! Maliwanag pa sa sikat ng araw ang pictures na ito.â€
Ang dami niyang mga litratong ipinost na kung saan kasama ang apo niya na ibiniyahe niya mula Switzerland, papuntang Los Angeles hanggang sa dinala niya sa Pilipinas.
So far, wala pang bagong tweets si Tita Annabelle, at hindi na niya pinatulan ang mga pinagsisintir ng ina ni Sarah.
Mas gusto na lang niyang magpaka-positive dahil sa sobrang saya sa pag-aalaga kay Baby Zion.
- Latest