^

PSN Showbiz

Pero sobrang mapanghusga ng kapwa: Female personality nakakasuka ang dumi ng mga gamit sa loob ng kotse

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May isang female personality na kung makapamintas ng kanyang kapwa ay parang hindi na sisikatan ng araw kinabukasan. Sawsawera ang babaeng ito sa maraming isyung nagaganap sa ating bayan.

Kung makapanghusga siya ay parang mas maputi pa sa harina ang kanyang pagkatao, parang maluluma sa kanya ang kaputian ng pulbos kung makapangutya siya, ano kaya ang matinding galit sa mundo ng may pagkababalinang babaeng personalidad na ito?

Kuwento ng isang kasamahan niya sa isang malaking network, “Kuripot ang babaeng ‘yun! Ayaw niyang kumuha ng driver, siya lang ang nagmamaneho ng kotse niya kahit sa malalayong lugar.

 â€œAng katwiran niya, sayang na raw ang ipambabayad niya buwan-buwan sa driver, e, pakakainin pa niya. Ganu’n siya kakuring! Kesehodang pagod na pagod siya sa kamamaneho, e, carry niya ‘yun, huwag lang malagasan ang bulsa niya!” kuwento ng aming miron.

At may isang kuwento pa tungkol sa female personality, “Marumi siya sa mga kagamitan niya. Kung makikita mo ang mga shoes niya, putik-putik! Magkakasama ang malilinis at marurumi niyang gamit sa car niya.

 â€œAng galing-galing niyang mang-alipusta ng ibang tao, e, hindi nga niya mabigyan ng panahon na linisin ang mga kagamitan niyang pagkarurumi!” nagmamaasim pang kuwento ng aming source.

At ang panghuling komento ng aming impormante na ang sawsawerang female personality mismo ang kanyang kinakausap, “Hooooyyyy!!!! Wala kang karapatang manghusga at mamintas ng ibang tao dahil ikaw mismo, kapintas-pintas ka!

 â€œAng dudumi ng mga kagamitan mo! Linisin mo muna ang mga personal mong gamit bago mo linisin ang image ng mga taong pinakikisawsawan mo!”

Ubos!

Bong at Jinggoy matibay ang mga misis

Pagkatapos ikulong si Senador Bong Revilla, anumang oras ngayon ay isusunod na si Senador Jinggoy Estrada, hanggang sa piitan ay magkaibigang karnal ang dalawang senador.

Labas ang paksa ng PDAF ay wasak ang aming puso sa pinagdadaanan ngayon ng kani-kanilang pamilya, masuwerte lang sina Senador Bong at Senador Jinggoy dahil biniyayaan sila ng mga asawang buo ang loob sa mga ganitong klase ng senaryo.

Hindi simple ang pinagdadaa­nan nina Congresswoman Lani Mer­cado at Precy Ejercito, kailangan ng isang matatag na kalooban para tanggapin ang ganito katinding pagsubok, maiiwanan ngayon sa kanilang dalawa ang mga obligasyon na dapat ay ang mga poste ng kanilang tahanan ang tumutupad.

Nakakalungkot. Pero sadyang kakambal nga ng katuparan ng mga pangarap ang mga problemang humaharang sa patuloy na pagtatagumpay.

Ogie hindi papasukan ang Talentadong Pinoy

Isang may alam sa mga nagaganap sa loob ng TV5 ang nakakuwentuhan namin. Walang katotohanan ang kuwentong umiikot ngayon na si Ogie Alcasid ang magho-host ng Talentadong Pinoy na malapit nang mapanood.

Ang malinaw na kuwento ay si Ogie ang papalit kay Aga Muhlach bilang host ng Let’s Ask Pilipinas. Siya ang magpapatuloy ng franchise show dahil balitang tinanggihan ni Aga ang program contract na iniaalok dito ng TV5.

Natapos na ang Confessions of a Torpe nu’ng Biyernes nang gabi, siguradong paghahandaan na ngayon ng singer-composer-actor ang mga bagong shows na gagawin niya sa TV5, isa si Ogie Alcasid sa mga bagong personalidad na pumasok sa bakuran ng Happy Network na puring-puri ng production staff sa pagiging propesyonal at walang arte at kaangas-angas.

Hindi namin pinalalampas ang Tropa Mo Ko Unli tuwing Sabado nang gabi, umaalingawngaw ang aming halakhak sa gag show na ito, lalo na sa segment na Paminta 101.

Maligayang bati sa kanilang mga artista, manunulat, staff at mga tagapamuno dahil pambanlaw sa isang linggong pagod at puyat ang Tropa Mo Ko Unli.

Tsiken!

vuukle comment

AGA MUHLACH

ASK PILIPINAS

CONGRESSWOMAN LANI MER

HAPPY NETWORK

NIYA

OGIE ALCASID

TALENTADONG PINOY

TROPA MO KO UNLI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with