Ama hindi na nakatiis anak maldita na nga, buhay-reyna pa sa bahay kaya walang nagtatagal na katulong
Marami naman pala kasing dahilan kung bakit pumutok na ang isang kilalang male personality at kung bakit naputol na ang pisi ng kanyang pasensiya sa alibugha niyang anak.
Maliliit na bagay nga lang ‘yun kung tutuusin, pero kapag naipon-ipon ay malaking problema na rin, ganu’n mismo ang nangyari kung bakit nakapagsalita na nang masakit ang ama sa kanyang anak.
Kuwento ng aming source, “Napakatamad naman kasi nu’ng anak. Uwian na ng mga eskuwela, pero tulog pa rin siya. Paggising niya, e, kakain na siya agad, maliligo, computer na agad ang kaharap niya.
“Wala siyang pakialam sa mga anak niya, lalong wala siyang pakialam sa mga gawaing-bahay, buhay-reyna ang babaeng ‘yun na ni hindi marunong magsarado ng gate nila kapag lumalabas siya,†naiinis na kuwento ng aming impormante.
Walang tumatagal na kasambahay ang lalaking personalidad dahil sa kanyang anak na super-tamad na ay napakataray pa. Lahat, kahit maaabot na lang nito ay iniaasa pa sa kanilang kasambahay, alagain kuno ang malditang babae.
“Nakikitira na nga lang siya, e, gusto pa niyang magbuhay-reyna? Wala na nga siyang ginagastos, ni hindi siya hinihingan ng tatay niya ng share sa ilaw, pagkain at tubig kahit may trabaho naman siya, ayaw pa ba niya ang ganu’ng klase ng buhay?
“Masyadong maldita ang babaeng ‘yun, walang alam sa pakikisama, kaya pati ang karelasyon ng tatay niya ngayon, e, pinag-iinitan niya!†bigay na bigay na ang clue ng aming source kung sino ang sentrong karakter sa kuwentong ito.
Pahabol pa ng aming impormante, “Nu’ng isilang siya sa mundo, e, laking-tuwa pa naman ng mga magulang niya. Pero ganyan lang pala ang kalalabasan niya paglaki, maldita at alibugha!â€
Aling Esther dapat magpasalamat sa ginawang pagpigil ni Tita Annabelle
Pigil na pigil ang naging reaksiyon ni Tita Annabelle Rama sa mga pag-e-emowt ng ina ni Sarah Lahbati na si Aling Esther. Ramdam ang kanyang pagpipigil, alam mong may ekstensiyon ‘yun ng pagmamahal sa ina ng kanyang apo, hindi “very Annabelle Rama†ang kanyang balik sa mga reklamo ng ina ni Sarah.
Pero tama ang kanyang reaksiyon, hindi siya magsasayang ng panahon para sa mga taong nagpi-feeling-api, sa mga taong may kinikimkim na pagkaawa sa sarili kahit wala namang dahilan ‘yun.
‘Yun pa naman ang pinakanegatibong bagay na puwedeng kumapit sa ating naturalesa, self-pity, dahil ang mga taong ganu’n ay walang nakikitang positibo at katwiran.
KSP kasi ang mommy ni Sarah Lahbati. Kulang na kulang ito sa atensiyon, sa gitna ba naman ng pagkakagulo sa party ay hahanapan pa nito ng red carpet treatment ang pamilya Gutierrez para sa kanya, hindi ba naman sobrang pagiging KSP na ang ganu’n?
Pasalamat ang mommy ni Sarah at medya-medya lang ang naging reaksiyon ng mommy ni Richard Gutierrez, kung paiiralin ni Tita Annabelle ang kanyang naturalesa ay baka gustuhin nang bumalik sa kanyang pinanggalingan si Aling Esther, sa totoo lang.
Kamalditahan at kaartehan ng young actress, lumulutang na
Unti-unti nang nakikita ng kanyang mga kasamahan sa bago niyang nilipatang network ang sobrang kaartehan at kamalditahan ng isang young actress. Nu’ng una kuno ay maayos naman siya, walang ipinakikitang kaartehan, pero nang magtagal-tagal na ay lumulutang na ang totoong ugali niya.
Sana’y magkuwento ang mga dati niyang katrabaho sa pinanggalingan niyang network. Sana’y may lumutang para ikuwento ang kanyang kamalditahan at pagdi-diva-divahan, at sana’y makilahok sa pagkukuwento ang mga makeup artists na pinahirapan niya dahil lang sa kanyang ilusyon na sikat na siya!
Harinawa!
- Latest