Aktres na walang masyadong trabaho rumaraket sa abroad kasama ang mga babaeng sariwa at magaganda
Nagmamaasim isang umaga ang isang miron na tumawag sa amin. Takang-taka kasi ito sa mga ipino-post ng isang female personality sa kanyang IG, puro ang mga pagbibiyahe raw at mga branded stuff ng aktres ang naka-post du’n, bakit at paano raw siya nakapaggagranatsa ng ganu’n samantalang wala naman siyang ginagawang mga proyekto?
Kahit daw ang asawa ng female personality ay wala rin namang project, paano raw siya nakapagbibiyahe nang madalas, saka bakit daw marami siyang kasa-kasamang mga chika babes sa kanyang pangingibang-bansa?
“Nagkakasala tuloy ako. Iba tuloy ang naiisip ko. Hindi kaya may ginagawa na siyang milagro kapag nag-a-abroad siya? Kasi, ang dami-dami niyang isinasamang babaeng puro bagets pa.
“Hindi kaya nakikipag-ungguyan na siya sa iba-ibang bansa, as in, monkey business ang dahilan nang madalas niyang pagbibiyahe? Pakilinis mo nga ang narurumihan kong utak?†tanong-opinyon pa ng tumawag sa amin.
Napaisip kami. Oo nga naman. Walang proyekto ngayon ang female personality pati ang kanyang mister, pero bakit palagi siyang umaalis, saka bakit puro mga bata at magagandang babae ang entourage niya?
Dagdag ng aming source, “Kunsabagay, hindi naman ‘yun nakapagtataka dahil ‘di ba, balitang-balita nu’n na ipinangreregalo siya sa mga D.O.M.? Baka na-master na rin niya ang art of pimping!
“Naku, pakilinis mo talaga ang utak ko! Ang dumi-dumi kasi! Nagkakasala na talaga ako!†sarkastiko pang litanya ng aming source.
Ha! Ha! Ha! Ha!
April Boy negosyo na lang ang inaasikaso, trono ipinamana na sa anak
Seryoso na si April “Boy†Regino sa pagtalikod sa mundong mahal niya at nagbigay sa kanyang pamilya ng isang klase ng pamumuhay na bibihira lang ang sinusuwerteng magkaroon.
Ang pumalit sa kanyang trono ay ang panganay niyang anak na si JC ReÂgino, ang kumanta ng Wasak ni Vehnee Saturno, na ngayo’y Most Requested at Most Wanted Song na sa mga FM stations.
Ang konsentrasyon na ngayon ni April Boy at ng kanyang misis na si Madel ay ang kanilang Sante Pure Barley store, sa kanila mabibili nang kumpleto ang epektibong produkto mula sa New Zealand na maraming sakit ang napapagaÂling.
Kung matatandaan ay ikalawang buhay na ito ngayon ng Jukebox King, nagkaroon siya ng prostate cancer na akala niya’y magiging katapusan na niya, malaki ang utang na loob na tinatanaw niya sa Sante Pure Barley na naging dahilan sa kanyang paggaling, kaya ibinabahagi niya ngayon sa ating mga kababayan ang positibong tulong na nakuha niya sa Sante.
“Malaki po ang suportang ibinibigay sa akin ng mga kababayan natin hanggang ngayon, itinuloy po nila ‘yun sa anak kong si JC, kaya gusto ko ring i-share sa kanila ang Sante Pure Barley na napakalaki ng milagrong ginawa sa pagkakasakit ko,†sabi ni ABR.
Huwag na si April Boy, marami na kaming nakausap na nagpapahayag ng magandang epektong nagawa para sa kanila ng Barley juice at capsule, lalo na sa mga panahong ito na napakamahal ng pagpapa-ospital.
Nagdiwang ng kaarawan ang isang kaibigan namin kamakailan, ang tangi nitong hiling, “Regaluhan mo na lang ako ng complete set ng Sante Pure Barley para sa mahal kong nanay.â€
Sikat na hunk actor na kalat na ang pagkabading madalas na nasa condo ng guwapong male personality
May mga nang-uusisa sa amin kung sino raw ang madalas puntahan ng isang pamosong hunk actor sa isang condo unit sa Makati. Wala raw kasing babaeng artistang nakatira du’n pero may isang guwapong male personality na nagrerenta ng isang unit sa nasabing lugar.
Ito raw kaya ang dinadalaw du’n ng guwapong hunk actor na matagal nang pinagdududahan ang kasarian? Madalas daw kasi siya sa unit ng tisoy na male personality at kapag nandu’n na siya ay hindi na siya lumalabas pa at umuuwi na lang siya nang madaling-araw na.
Ubos!
- Latest