^

PSN Showbiz

Doris Bigornia tinawag si Sen. Bong na Bong Panis; Sen. Chiz hindi pa rin nag-propose kay Heart sa Paris

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Hindi totoo ang balita na nag-propose sa Paris si Senator Francis Escudero kay Heart Evangelista. Nagbakasyon lamang ang dalawa sa Paris at panay ang jogging.

SCENE: Binigo uli ni Maricel Soriano ang viewers ng Ang Dalawang Mrs. Real sa episode noong Miyerkules dahil nawawala ang mga letra ng kanyang dialogue sa eksena ng telephone conversation nila ni Dingdong Dantes.

SEEN: Ang story conference kahapon ng Ang Lihim ni Anasandra, ang afternoon primetime show ng GMA 7 at balik tambalan sa telebisyon nina Andrea Torres at Mikael Daez.

SCENE: Nag-boomerang sa Aquino administration at sa PNP ang paulit-ulit na pagpapakita nila sa telebisyon ng pagkukulungan kina Senator Bong Revilla, Jr. at Senator Jinggoy Estrada.

Nagalit ang mga tao dahil mas maganda ang pagkukulungan ng pamahalaan sa mga senador na sangkot sa plunder case kesa bunk houses na tinitirhan ng mga biktima ng Typhoon Yolanda.

SCENE: Bading na bading si Gardo Verzosa sa kanyang gay role sa Dading. Nagkuwento si Gardo na may 7-month old baby boy na sila ng kanyang girlfriend.

SEEN: “Wala” ang sagot ni Benjamin Alves nang tanungin ito kung may kamag-anak siya na closet gay na gustong mag-come out.

Cast member si Benjamin ng Dading.

SCENE: Na-offend kay Doris Bigornia ang fans at supporters ni Senator Bong Revilla, Jr. dahil sa diumano’y pagtawag niya kay Bong ng “Bong Panis”.

SEEN: Nakikisawsaw si Rosanna Roces sa away nina Claudine Barretto at Raymart Santiago.

Si Rosanna na nabahag ang buntot at nanahimik nang sabihin sa Startalk ng kanyang anak na si Onyok na lulong siya sa paggamit ng illegal drugs.

 

ANDREA TORRES

ANG LIHIM

BENJAMIN ALVES

BONG PANIS

CLAUDINE BARRETTO

DINGDONG DANTES

DORIS BIGORNIA

GARDO VERZOSA

SENATOR BONG REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with