Mga naglalakihang artista susugod sa huling leg ng Ginuman Fest 2014
MANILA, Philippines - I-cu-culminate ng Ginebra San Miguel Inc. (GSMI) ang Ginuman Fest 2014 (ang matagumpay at inaabangang taunang concert series ng brand) ngayong Hunyo.
Sa loob ng anim na buwan, nilibot ng Ginuman Fest 2014 ang buong bansa kasama ang mga brand ambassadors nito na kinabibilangan ng ilan sa pinaka-maiinit, pinaka-influential, at pinaka-talentadong mga artista sa industriya.
Ngayong ikatlong taon na ito, patuloy ang Ginuman Fest sa pagbibigay kasiyahan sa lahat ng mga loyal at solid na “kalahi†sa buong bansa. Bawat leg ng series na ito ay hitik na hitik at punung-puno ng mataas na kalidad ng musika mula sa mga brand ambassadors na inaasahang umawit ng kanilang mga greatest hits, hottest chart-toppers ngayon, standard favorites at party anthems.
Bukod sa musical extravaganza na inaalay ng Ginuman Fest, isa rin itong game show kung saan maraming mapapanalunan ang mga ka-barangay sa bawat leg. May inuman, kainan, at mga “side-games†na siguradong papatok sa mga kabarangay.
Ang Ginuman Fest ay ang munting paraan ng GSMI upang pasalamatan ang milyun-milyong mga kalahi na siyang dahilan ng pagiging no. 1 gin nito sa buong mundo.
Maaari ring subukan at bilhin ng mga concertgoers sa mga Ginuman Fest venues ang iba pang mga GSMI products gaya ng GSM Blue, GSM Blue Flavors, Ginebra San Miguel Premium Gin, Gran Matador Brandy at Antonov Vodka.
Ngayong Hunyo, bibisita ang Ginuman Fest sa Pinyasan Festival ng Daet, Camarines Norte (Hunyo 19) kung saan makikisaya ang Ginebra San Miguel Ganado Girls kasama ang Callalily at Banda Ni Kleggy; at sa Aggao Nac Festival ng Tuguegarao, Cagayan Valley (Hunyo 28) kung saan makiki-jamming ang rock band na Rocksteddy at ang Sample King na si Jhong Hilario.
Mangyayari sa San Juan, Metro Manila sa Hunyo 21 ang pinakamalaking culminating leg ng Ginuman Fest sa Wattah Wattah Festival ng lungsod. Para sa leg na ito, paliliyabin ng mga brand endorsers ang stage sa Pinaglabanan Shrine umulan man o umaraw. Maaaring makisaya ang mga fans kasama sina Paolo Avelino, Solenn Heussaff, The Itchyworms, Callalily, Rocksteddy, at Anne Curtis.
Ang Ginuman Fest 2014 ay isinagawa ng GSMI upang pasalamatan ang mga milyun-milyong mga kalahi na tumatangkilik sa Ginebra San Miguel bilang pinakamabiling gin sa buong mundo.
- Latest