^

PSN Showbiz

Richard bukambibig ang anak

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nakakapanibagong kausap si Richard Gutierrez ngayon dahil hindi na lang tungkol sa career ang nababanggit at mas excited pa ngang pag-usapan ang anak na si Zion. Kahit paulit-ulit ang tanong at paulit-ulit ang sagot,  wala pa ring kapaguran ang aktor. Enjoy itong pag-usapan si Zion na happy baby at marami nang alam.

One year old pa lang si Zion, pero iniisip na nila ni Sarah Lahbati kung saang school nila ito ie-enroll at nag-iipon na siya dahil gusto nilang sa best school pumasok ang anak. Gusto niyang maging Olympic athlete, astronaut, at marami pa siyang gusto sa anak. “Tingnan natin” ang sagot ni Richard kung papayagang mag-artista ang anak.

Natutuwa sina Richard at Sarah sa positive na pagtanggap ng tao kay Zion at marami na itong fans at marami nang nakakikilala. May alam kaming ginawang screen saver ang picture ng bata na para bang anak o pamangkin nila.

Samantala may pelikula sila ni Lauren Young na showing sa July 2.

May isa pa siyang pelikula sa GMA Films na pagtatambalan nila ni Sarah to be directed by Elaine Lozano. Pagkatapos nito, magagawa na niya ang offer ng Star Cinema at sinabi niya kay director Ruel Bayani na i-save ang script para sa kanya.

Annabelle walang alam sa lalaking laging kabuntot ni Ruffa

Nakausap namin si Annabelle Rama sa binyag at birthday celebration ng apong si Zion na may suot pang lapel. Kinunan ang triple celebration (kasama ang Father’s Day celebration) bilang pam-finale ng It Takes Gutz to be a Gutierrez. Sa July, isu-shoot ang season 2 ng reality show na napapanood sa E!

Kuwento ni Annabelle, siya ang nakatoka sa food sa triple celebration at sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa games at prizes. Masaya si Annabelle na halos lahat ng godparents ng apo ay dumating. Bawal daw ang proxy, pero si Marian Rivera na nasa Amerika ay ninang pa rin.

Natutuwa si Annabelle na ipinakilala na si Zion at makakasama na nila ‘pag sila’y lumalabas at puwede nang i-display. Siya na ang happiest lola at nagpapasalamat kay Sto. Niño sa blessings na patuloy na ibinibigay sa pamilya nila.

Natigil ang “Zion” kuwento ni Annabelle nang tanungin namin sa guy na laging naka­dikit kay Ruffa Gutierrez. Hindi niya alam kung nanliligaw ito sa anak dahil iinterbyuhin niya sana noong nasa Singapore sila, kaso biglang umapir si Ruffa. Ang press ang sinabihan nitong interbyuhin ang lalaki na mabait at sasagot daw.

Kevin Santos muntik lapain si Carmi

Wala sa presscon ng Ismol Family si Joey Marquez, pero kasama siya sa cast bilang kapareha ni Carmi Martin. Nalito lang kami dahil sabi ni Ms. Lilybeth Rasonable, ex-BF ni Mama A (Carmi) ang role ni Joey. Sabi naman ni Carmi, ex-husband niya ang role ni Joey at ama ni Bobong (Pekto). Panoorin na nga lang natin para malaman kung ano talaga ang role ni Joey.

Pasalamat si Carmi sa GMA 7 na nabig­yan siya ng sitcom dahil matagal na siyang hindi gumagawa ng come­dy. “Progressive” ang description ni Car­mi sa role niyang si Mama A na lola, pero ayaw patawag na lola.

Cougar dito si Carmi dahil lover niya si Kevin Santos na nakuwentong nailang siya sa mga eksena nila ni Carmi sa mga unang taping days dahil may mga lambingan sila na parang gusto niyang kainin ang aktres.

Sa June 22, after 24 Oras Weekend ang start ng airing ng Ismol Family na tiyak si Carmi na magugustuhan ng viewers dahil family orien­ted at lahat about family. Mula ito sa direction ni Dominic Zapata.

Ryan mas pinili ang Picture! Picture! Kesa Talentado

Ayaw kumpirmahin ni Ryan Agoncillo kung may relasyon sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo dahil hindi raw tama kung ang itinuturing na kuya ng dalawa ang magsasalita tungkol sa kanila. “I wish them the best” ang sabi ni Ryan sa dalawa at nagbiro pang basta siya ay kinikilig kay Matteo.

Sa tanong kung posible ba silang apat na magkasama sa pelikula? Fantastic daw kung mangyayari ‘yun.

“I do hope matuloy ‘yan dahil hindi pa kami nagkaka-work ni Sarah,” sagot ni Ryan.

Napansin pala ng press sa mga sagot ni Ryan na mas gusto nitong ibalik ng GMA 7 ang Picture! Picture! after ng Ismol Family kesa pag-usapan ang Talentadong Pinoy ng TV5. Sa harap ng mga bossing ng Ch. 7, nakiusap itong ibalik ang hit game show na kanyang hino-host.

vuukle comment

ANNABELLE

CARMI

DAHIL

ISMOL FAMILY

KEVIN SANTOS

KUNG

MAMA A

RYAN

SARAH LAHBATI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with