^

PSN Showbiz

Aktres walang kupas ang kamalditahan

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Dati nang may imahe ang kilalang aktres na ito sa pagiging maldita laluna nung kasagsagan ng kanyang kasikatan. Pero magmula nang ito’y magkaasawa at magkaroon ng anak ay nabawasan ang kasikatan nito lalupa’t matagal na rin naman wala siyang proyektong ginagawa kahit sa telebisyon na dati niyang pinagre-reynahan.

Celebrity endorser ang nasabing aktres ng isang kilalang beauty brand at existing pa umano ang kontrata nito sa kanila kaya inim­bitahan nila ang aktres sa kanilang ma­jor event kamakailan lamang.  Pero ganoon na lamang ang disappointment ng mga tao behind the beauty brand na ini-endorso ng aktres dahil hindi ito sumipot sa kanilang event.

Kaya malamang na tapusin na lamang ang kontrata ng actress at kukuha na lamang sila ng mas sikat at mas professional na celebrity endorser.

Natatandaan pa namin noon ang inasal ng nasabing aktres sa isang TV crew ng isang major TV station na dumayo pa sa location ng pelikulang ginagawa ng actress sa imbitasyon ng PRO ng film outfit. Sa halip na mag-grant ng interview ang aktres ay pinagsarhan pa ng pintuan ang TV crew na pinamumunuan ng isang kilala at respetadong TV entertainment reporter. 

Dahil sa kamalditahan ng actress ay matagal na siyang walang career.

Oras ni Mark nauubos sa anak

Wala pang bagong assignment si Mark Herras kaya naman marami siyang oras sa lovechild na si Ada at sa paggi-gym.

Aminado ang aktor na mas nagkaroon ng mea­ning ang kanyang buhay nang lumabas si Ada. Nabawasan umano ang kanyang paninigarilyo, gimik, at pagiging magastos.

Mark spends Father’s Day with Ada pero hindi pa umano niya alam kung lalabas silang mag-ama o sa bahay lamang maglalaro.

vuukle comment

ADA

AKTRES

AMINADO

DAHIL

DATI

KAYA

MARK HERRAS

NABAWASAN

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with