^

PSN Showbiz

Matteo at Sarah hindi na nagtatago

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi lamang naman ang pagkakaroon ng relasyon nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ang unti-unti nang nagkakaroon ng hugis simula nang lumabas sila in public on a date na kahit hindi silang dalawa lamang at kasama ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo making the date a foursome. Mas pinatatag pa ang sinasabing relasyon nila sa pagkakabatid ng lahat ng kanilang term of endearment na “Mahal” pala.

Marami ang naniniwala na hindi isang pagkaka­mali ang pagkaka-wrong send  ng isang message na ginawa ni Matteo kay Direk Wenn Deramas na tinawag niyang “Mahal” kundi isang hindi direktang pag-amin na may tinatawag siyang Mahal at gustong paniwalaan ng lahat na si Sarah na nga.

Jackie tinapos na ang isyu sa kanila ni Isko

Hindi lamang ang anak ni former president at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada na si Jackie Ejercito-Lopez na ang nag-deny na may relasyon sila ni Manila Vice Mayor Isko Moreno na mahigit pa sa pagiging magkaibigan kundi maging si Vice Mayor Isko rin. Kung nakikita man silang madalas sa mga okasyon na may kinalaman sa lungsod, ito ay sa dahilang marami siyang ginagawang trabaho para sa kanyang ama at pinatutulungan siya nito sa kanyang Bise. Katulad na lamang nitong gaganaping Miss Manila. Talagang buhos ang aten­syon ni Jackie sa proyekto. Gusto niya na talagang makiisa ang mga taga-lungsod sa paglahok sa pa­ligsahan para makakuha sila ng talagang deser­ving winner who will represent the City.

Dahil matagal na sa kanyang trabaho bilang bise si Isko, sino pa ba naman ang maaasahan ni Mayor Erap para tumulong sa kanyang anak? ‘Yun nga lamang, hindi niya akalain na ang pagsasama ng dalawa will start a controversy na ngayon ay pilit itinatanggi ng dalawa.

Maaring pinagsimulan ng rumor ang pagkakaro’n ng gusot sa pagitan nina Jackie at ng asawa niyang si Beaver Lopez. Pero sabi nga niya ay pinag­da­raanan ito ng mga mag-asawa at umaasa siyang ma­aayos nila ito. Sa parte naman ni Bise, maayos ang marriage nito with his wife at may apat silang lu­malaking mga anak.

Kris masaya na naman

Hindi naman nagtagal ang pagiging ‘di okay ni Kris Aquino. Masaya na uli ang hitsu­ra niya. Parang nakarecover na siya sa sinasa­bing sakit na naramdaman ng kanyang puso. I’m sure kung da­rating din siya sa ganung sitwasyon ay mas pipiliin  din niya sina Bimby at Josh.

BEAVER LOPEZ

DIREK WENN DERAMAS

ISKO

JACKIE EJERCITO-LOPEZ

JUDY ANN SANTOS

KRIS AQUINO

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with