Mark malihim sa babae
Napakamasikreto rin ng singer-actor na si Mark Bautista. Hindi alam ng marami na naÂging GF niya ang 2011 Miss World 1st PrinÂcess na si Gwendoline Ruais. Tumagal din ng isang taon ang relasyon ng dalawa at ang beauty queen umano ang nag-initiate ng kanilang break-up.
Si Gwendoline ay engaged na sa cager-model na si David Semerad.
Sa part naman ni Mark, may isa itong napupusuan ngayon, isang modeÂlong may initial na AR pero wala pa umano siya sa stage ng panliligaw sa dalaga. Napanood ni Mark ang guesting ng dalaga sa isang programa ng Iglesia ni Kristo at kakaiba umano ang kanyang naramdaman.
GuÂmaÂÂwa si Mark ng paraan na maÂÂkuha ang contact number ng dalaga sa pamamagitan lamang ng Instagram.
InimÂbitahan ni Mark ang daÂlaga na mapasama sa kanyang gagawing music video at maÂging sa kanyang self-produced concert sa Crowne Plaza Ballroom on June 21.
Umaasa ang binatang siÂnger na natagpuan na niya ang babaeng matagal na niyang hinahanap.
Hindi rin ikinaila ni Mark na nagkagusto rin siya noon sa pop princess na si Sarah Geronimo na may Matteo Guidicelli na.
Sina Mark at Sarah ay nagkasama noon sa singing competition na Star for a Night kung saan tinanghal na kampeon ang pop princess at runner-up naman si Mark. Ang dalawa ay madalas na magkasama sa mga concerts here and abroad lalupa’t iisa ang kanilang management company, ang Viva Entertainment.
Tatlong Maria ni Zsa Zsa ‘di maipinta ang kasiyahan para sa ina
Masayang-masaya ang mga anak ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla na sina Karylle, Nicole, at Zia para sa kanilang ina na muli itong nakatagpo ng bagong pag-ibig sa pamamagitan ni Architect Conrad Onglao. Na-witness ng mga anak ng singer-actress kung gaano kalungkot ang kanilang ina nang sumakabilang-buhay ang comedy king na si Dolphy. Nakikita nina Karylle, Nicole, at Zia ang bagong sigla sa mukha ng kanilang ina na naka-move on na sa pagkawala ni Dolphy.
Malapit na kaya ang kasalan?
- Latest