^

PSN Showbiz

Richard at Sarah magtatambal na rin sa pelikula

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nagsimula na nga ang promo nina Richard Gutierrez at Lauren Young para sa July 2 showing ng movie nilang Overtime.

May mall tour ang dalawa una sa Market! Market! (June 22), Robinsons Ermita (June 28), at SM Manila (June 29). Siguradong may TV guesting din ang dalawa para ipaalam ang nalalapit na ipalabas ang kanilang movie.

Maghanda na si Richard dahil tiyak na haha­na­pin sa kanya si Baby Zion. Si Sarah Lahbati nga, natuwa sa gesture ng Starbucks Forbes dahil nang ibigay sa kanya ang order, bukod sa name niya, may nakasulat din na “Say hi to Baby Zion!”

Ang sabi, ang next movie ni Richard sa GMA Films ay pagtatambalan nila ni Sa­rah to be directed by Elaine Lozano. First movie ito ng couple kung sakali at maganda nga naman kung bago gumawa ng movie sa ibang film company si Ri­chard ay sila muna ni Sarah ang magtambal.

Jake sinagip ng GF nang ma-depress kay Lovi?

Isa sa nagpasaya sa ginanap na National Makeover Day ng HBC sa Activity Center ng Trinoma noong June 12, si Jake Cuenca. Hindi siya endorser, inimbita lang siya at nagpaalam sa taping ng Ikaw Lamang para makadalo. Kumanta si Jake na pinalakpakan ng mga dumalo sa event.

Bago kumanta, nagpaunlak ng interview si Jake na mabilis inaming in-love siya sa GF na si Chanel Olive Thomas, isang Fil-Aussie model. Two months pa lang ang relasyon ng dalawa after mag-date ng one month. Bilib siya sa GF dahil dedma sa ba­shers at hindi napipikon ‘pag sinasabing kamukha niya si Jessy Mendiola (ang huling niligawan ni Jake). In fact, compliment daw ‘yun sa GF.

Pahayag pa ni Jake, siya ang umaaway sa ba­shers ni Chanel. Sobra raw silang mag-PDA o Public Display of Affection at pino-post pa niya sa Instagram (IG). Nasabihan tuloy sila ng ilan niyang followers ng “Get a room.”

Naintriga kami sa nabanggit ni Jake na dumating si Chanel sa buhay niya after a depressing relationship. Kaninong relasyon kaya ang binanggit ng aktor? Relasyon nila ni Lovi Poe o ‘yung sa kanila ni Jessy? Pero hindi naman daw naging sila ni Jessy, si Lovi kaya ang tinukoy ni Jake?

Anyway, nag-enjoy ang mga dumalo sa event dahil sa libreng makeover at nag-demo pa si Abbygale Arenas-de Leon ng tamang make-up depende sa oras. 

Bianca hindi na ginagwardyahan ng lola

Hindi na pala sinasamahan ng kanyang lola si Bianca Uma­li sa taping niya ng Niño at Ismol Fa­mily. Sabi ng teen star, matanda na ang lola niya, kaya sa bahay na lang  ito.

Ayon kay Bianca, malaki na ang hirap ng lola niya sa kanya dahil mula nang mag-artista siya, ito na ang sumasama sa kan­ya, nag­pupuyat at nagpapagod dahil ulila na siya at walang magulang na sa­sama sa kanya.

Dagdag na blessing para kay Bianca na maka­sama sa Ismol Fa­mily na airing na sa June 22. Isa pang ikinatuwa nito, magka­sama pa rin sila ni Mi­guel Tanfelix, parang nagti-taping lang sila ng Niño, ang kaibahan lang, sitcom ito at hindi drama.

Dennis mas pinili si Kris kesa kay Kylie

May mga nag-react sa nasulat namin sa aming kolum noong Huwebes na ang Stolen Memories nina Dennis Trillo at Kris Bernal ang papalit sa Ang Dalawang Mrs. Real. May nag-akalang papa­litan na agad ang teleserye nina Maricel Soriano, Lovi Poe at Dingdong Dantes, kaya nabanggit ni Direk Dominic Zapata na this June na siya magsisimulang mag-taping ng soap ni Dennis.

Lilinawin lang namin na tatapusin ang 13 weeks run ng Ang Dalawang Mrs. Real bago palitan ng Stolen Memories.

Gusto lang siguro ni Direk Dom na mag-taping ng maaga para hindi sila naghahabol at nahihirapan. Saka, si Kris Bernal daw ang napiling leading lady ni Dennis at hindi si Kylie Padilla.

 

BABY ZION

BIANCA

ISMOL FA

JAKE

KRIS BERNAL

LOVI POE

MRS. REAL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with